

May ganito pala talagang kamag-anak no?
For context:
Screenshot 1: Tito ko ito na nakapag ibang bansa noon. Sobrang yumaman at sa lahat ng mga kapatid niya, si Mama ang palagi niya hindi iniinclude sa kahit na ano pag umuuwi siya Pinas. Pasalubong? Samin mapupunta lahat ng napagpilian pero ok lang. Sino ba naman kami para magreklamo? Kung pagsalitaan pa kami ay para bang may utang na loob kami sa kanya
Pero ngayon ay nasa Pinas na siya, ilan taon na din nakalipas. Walang ipon. Tinakwil ng pamilya. Walang sariling pera. Umaasa sa bigay ng mga kapatid.
Kami naman ng parents ko ay nasa ibang bansa na din lahat. This month ay uuwi ako after 4 years simula umalis ako. Alam nila na uuwi ako pero hindi ko sinabi kung kailan at kinukulit nila ako palagi. Wala naman dahilan bakit di ko sinasabi at wala din naman ako maisip na dahilan para malaman nila.
Itong chat ni Tito, isang halimbawa na sumasalamin sa kung paano siya mag isip noon. Nakakabwisit diba?
Screenshot 2: Dahil unang uwi ko sa Pinas, nagplano ako ng swimming at bayad ko lahat. Nacommunicate ko lahat sa groupchat. Gumawa pa ako ng poll at sinigurado ko lahat ng nasa groupchat ay makakasama. Sumasagot din naman siya sa chat nung mga oras na nagpaplano at book ako. 3 weeks na nakalipas, nag chat si Tita. Wala man lang hi/hello o good afternoon/morning. Straight to the point. Na para bang inutusan niya lang ako at para bang hindi provided lahat ng details sa groupchat.
Nakakainis lang sobra dahil may kamaganak akong ganito. Kung apihin at hindi kami pansinin noon, siya naman pagsisipag chat ngayon.
Bwisit po kayo 🙂↔️