u/RockSea6716

Frustrated

Hindi ko alam if I even want to post this because I might only get downvoted. But please enlighten me, (and pls understand) bakit yung ibang ka-mommy natin sa social media like tiktok, fb, or even dito nagtatanong kung anong gagawin or ipapainom na gamot kapag may sakit ang babies nila. I am really saddened and/or frustrated. As in.

Hindi ko alam parang deep inside I wanna start campaigning na please seek medical advice ONLY from healthcare professionals. Kung walang resources para pumunta sa pedia at least we have public hospitals or health centers in every barangay. Kapag nagsusuka ang bata, sa ER na dalhin or pwede sa health centers, bakit hihintayin pa ang sagot ng mga strangers sa social media?

Pls let us not put our children’s lives at risk. And please wag din sana tayo magbigay ng diagnosis porke same ng ibang symptoms dahil hindi naman natin nakita sa personal or nalaman ang lahat ng details, and of course because we are not healthcare professionals.

Yes we should help each other out. But the only way we can hep other mommies is by telling them to go straight to the doctor because paano kung mali ang diagnosis natin tapos sinunod nila?

Sorry kung baka may maoffend. I am just really sad and kind of alarmed na instead na pumunta sa doctor e may time pa tayo magtanong online kung anong gagawin. I hope you understand where I’m coming from. And I can only hope that this would raise awareness to always seek help from professionals, not from strangers.

reddit.com
u/RockSea6716 — 4 days ago
▲ 1 r/pisay

Interview for G7

Hello! What questions are normally asked during the interview and what should we prepare?

Thank you!

reddit.com
u/RockSea6716 — 4 days ago

Tristancafe ‘06, where my people at?

Eto yung orig na tambayan (forum) plus free listening to mp3 music. Plus may bardagulan na walang personalan.

San na yung mga tambay dito ng tristancafe? I just suddenly remembered some people like echizenryoma, master_dshot (something?), fuzzylogic, etc. haha

Idk but bigla ko lang sila naalala. Sana there’s a way to catch up! Kung andito yung mga dating tambay (na anon din naman talaga noon) drop your usernames (if pwede).

It would be so nice to talk to these people again!

reddit.com
u/RockSea6716 — 5 days ago

Rude and insecure SIL

Since mother’s day kuhang kuha ni SIL ang inis ko. Di sya sister ni hubby, yung both hubby namin ang magkapatid. Sya yung “ate” ng family and before okay naman kami. Lately they’re having trouble with their finances, tapos lagi nya na kong jinojoke na yung tono mina-mock.

20years gap namin ni SIL. Kaya trato ko talaga sa kanya ate. Before lagi kami chika chika, sa kanya ko nagcoconfide, tapos sakin sya nag-e-air out ng mga problema. But lately wala na kong time sa ganun kasi I’m working on my own business now. Syempre start-up so busy talaga. Hindi kami share ni hubby kasi may sarili syang ganap in life.

Ngayon tuwing may binibili ako pinupuna nya. Ang mahal mahal, Pabili ko daw sa hubby ko. Si hubby ang sumasagot na pera ko ginagastos ko. (And the h€ll she cares kung ibili ako ng hubby ko diba). Tapos kahit kinorrect na ni hubby, later pag kumain buong family together iaannounce nya na nagpabili ako nito and that. At marami pang instances na ganun.

There was a time na nasa mall kami tapos wala naman akong bibilhin, sabi nya bili kami para terno kami. BUT yung paperbag nya pinatago nya sa loob ng paperbag ko para wag makita ng family. Weird diba, di naman nila pupunahin kung may binili sya. But because of what she did, lalo sya inasar kasi bakit daw itinatago yung binili.

When it comes to money lagi syang “wala kaming pera” “walang work si hubby ngayon” etc etc. wala naman namemressure sa kanila, at wala din naman nagdedemand. Pero naiinis ako kasi sa bawat galaw ko iaannounce nya na “kasi ang daming pera di na mabilang” na yung tono nang-mo-mock.

Kahapon lumabas na naman kami at wala na naman ibang bukambibig kundi marami akong pera, isip na isip daw ako ng bibilhin ko, etc. like wtf. Nung mga nagdaang months kasi bumibili ako ng damit na kelangan ko sa work. Di naman nya pwedeng icompare yung sitwasyon naming dalawa, araw araw ako nakaharap sa mga kliyente kaya kelangan everyday formalan ang suot ko. Tsaka pera ko yun, at yung pinang open ko ng business galing sa side ko.

Kaya sobrang naiinis ako at nahuhurt ako kasi kala mo naman kung iannounce e luhong luho ako. Lahat naman ng binibili naming mag-asawa galing sa pagsisikap namin. I just dont wanna be rude to her as well. Kasi ayokong bumaba sa ganung level. Pero at the same time sukang suka na ko sa pangma-mock sakin. Nagsusumikap ako for my children. Kala mo naman joke yung working ako maghapon tapos pag uwi mag aalaga ng mga anak at maglalaba. Tapos ganyan makukuha kong comment.

Sorry sobrang haba. Sa lagay na yan di ko pa nakwento lahat ng pangmamock nya. Share nyo naman ano ginawa nyo sa ganyang SIL kung naexperience nyo din. 🫠

reddit.com
u/RockSea6716 — 9 days ago

Hi! I’m looking for a PH based artist who can do commissions, and whose art style is generally chibi / kawaii. For paid commissions only not really for regular employment.

Hope you can drop your ig’s here so I can see your works and pm you privately. Thank you! 🥺

I have no idea how much are paid commissions here in PH but we can talk about the price.

20.

reddit.com
u/RockSea6716 — 21 days ago