Napakamalas ng UPCAT ko
nakakahiya pero gusto ko ilabas kasi why not😭😭. I was gonna take the upcat noong sunday ng 12:30. Maulan-ulan non. Nabasa pa ako papunta sa covered court. Btw i took the upcat sa UP Clark/DEPP. Pinapapila na kami based sa room numbers namin. Mind you medyo baha na sa covered court. Yung sapatos ko tuloy basang-basa na 😭😭. Habang papunta sa room, muntik na ako madulas talaga kasi basa yung pavement and may mga dahon-dahon pa. Then, nung nasa entrance na kami ng building muntik na naman ako madulas… buti na lang kaklase ko yung kalikod ko. Fast forward. During the exam, sobrang intense ng atmosphere. Hindi ko namalayan parang ang diin na pala ng sandal ng elbow ko sa arm chair. Nagsasagot ako tapos biglang bumaliktad yung malapad na part ng armchair ko huhu. Mga three times sguro nangyari yon. NAKAKAHIYA PLSSS. Napakalakas ng tunog.
pero, comfy yung chairs nila in fairness kahit plastic. kaso wag lang talaga isandal nang todo yung elbow baka lumipad lahat ng papel niyo guys
p.s habang papunta kami sa testing center ko nakalimutan ko pa palang isign yung nasa babang part ng test permit ko. kaya bumili muna kami ng ballpen sa kstore. ayun lang po. anong kwentong upcat mo HAHAHHA