u/SeniorReflection8815

Self Exclusion approved pero nakaka access pa din sa mga online gambling apps

September 2025 na apply ako ng Self exclusion na approved nung January 2026 pero nakaka access pa din ako sa mga online gambling apps gamit ang ibang number ko pero naka registered sa name ko din naman, simcard ba ang binablock nila guys??

Ngayon ang ginawa ko nag chat ako sa playtime, casino at bingo plus na I deactivate nila ako, sa ngayon deactivated ako sa mga online apps na pinaglalaruan ko sana wag na akong makaisip pa ng ibang way para makapagsugal😥 SHARE KO LANG TO BAKA MAKATULONG SA IBANG APPROVED NA DIN NG SELF EXCLUSION PERO NAKAKASUGAL PA DIN, PA DEACTIVATE NALANG KAYO MAS MABILIS PA

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 2 days ago

Hindi matatapos ang problema hanggat hindi mo tinitigilan gumawa ng problema,

Kahit ano pang sabihin ng mga nagpapayo dito na tigilan na wala pa din mangyayari kung ayaw mong tigilan, alam mo naman naman ang ending e talo pa din naman tinutuloy mo pa, madaming nag stop nakagaya nilang tumigil kaya kayang kaya mo din💪🏻

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 11 days ago

Bagong umaga bagong pag asa

Ito na ang araw na mag stop ka ng parusahan ang sarili mo, yung SUGAT mo mula 2022,2023,2024 na PAULIT ULIT MONG HINIHIWA PARA MASUGAT ULIT, sobrang lala na infection na, magpagaling tayong lahat, tama na ang paulit ulit na pananakit sa sarili, PANGINOON TULUNGAN MO PO KAMING LAHAT NA MAALIS SA UTAK NAMIN ANG SUGAL🙏🏻

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 14 days ago

Nagsugal ka pa din ba kagabi? O d ba talo ka.. tama na tigilan na natin to binibigay lang natin sa mayayaman may ari ng pasugalan ang pinaghirapan natin, sana lahat ng nagsusugal mag stop na ngayon araw para malugi na ang pasugalan na yan at magsara na sila🙏🏻 napakaraming buhay na ang sinira nila, magkaisa tayo mag stop na tayong lahat para sa kabutihan natin tama na please🙏🏻

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 15 days ago

Isipin mo gano ka na katagal nagsusugal? Mayaman ka na ba? Lalo kang naghirap d ba? Ang mayayaman naman dito na nagsugal kumusta mas yumaman ba kayo? D ba naubos ang milyon nyo? Lagi natin iisipin walang yumaman sa sugal kung hindi ang may ari ng pasugalan,
Isa lang ang sigurado sa sugal, IKAW ANG LAGING TALO, MASISIRA ANG BUHAY MO AT MAIIWAN KANG UBOS NA UBOS.

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 16 days ago

Tayo ang driver ng buhay natin, alam natin kung saan at anong gusto natin marating sa buhay, pero sa paglalakbay natin hindi maiiwasan na maligaw tayo or masiraan normal naman un, ang kailangan lang i repair ang buhay natin or hanapin ang tamang daan at mag patuloy para makarating sa gusto natin puntahan, walang masamang magkamali pero kailangan itama mo ito, at kung kailan mo itatama, ngayon na pagkabasa mo nito, panginoon gabayan mo po kaming lahat, alisin mo po sa utak namin lahat ang sugal🙏🏻

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 16 days ago

Napupunta lang ang pera natin sa mga mayayaman at politikong may ari ng pasugalan, nagpapakahirap tayo sa pera natin napupunta lang sa kanila, sila ang totoong paldo tayo naman ang mga uto uto at sabihin na natin kahit masakit na sobrang tanga natin😥 tama na ung mga nakuha nila satin, STOP NA TAYONG LAHAT NGAYON🙏🏻

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 16 days ago

Walang katapusan lungkot ang mararamdaman natin kapag hindi pa tayo tumigil ngayon, pansin nyo naman siguro ulit ullt nalang ang nangyayari, mananalo ng kaunti dahil hindi sapat sa laki ng talo ng nakaraan araw tuloy pa din ang bet at ang ending talo ulit, tigilan na natin parusahan ang sarli natin, maawa tayo sa sarili lalo na sa pamilya nating nadadamay, gusto mong tumigil? Bakit hindi pa ngayon? Hintayin mo pa bang maubos ka at masira ang pamilya mo? Panginoon tulungan mo po kaming lahat, sana lahat ng adik sa sugal ay mawalan na ng ganang magsugal🙏🏻

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 16 days ago

Sana matapos na tong kabaliwan natin lahat ng adik sa sugal, mag stop na tayo ito yung pinakamalaking SCAM na may permiso natin, alam na alam naman natin niloloko lang tayong lahat pero tuloy tuloy pa rin tayo, nakakatakot na baka parusahan tayo ng Diyos dahil sa ginagawa natin sa binibigay nyang biyaya satin, napakalaking halaga na ang binibigay natin sa may ari ng pasugalan na ito na sobrang yanan na, nakakakonsensya na nakakakita tayo ng mga taong halos walang makain tapos tayo daan libo ang pinatatalo lang sa sugal, Panginoon tulungan mo po kaming lahat🙏🏻

reddit.com
u/SeniorReflection8815 — 17 days ago