Government Employee | Drowning in Debt
Hi, I badly need some advice.
I am a government employee earning 40k a month pero 13k na lang halos ang take home dahil sa mga loans sa government institutions na salary deduction. So these 13k goes mainly for my basic needs such as rent, food, utilities, and allowances for the whole month.
Problem is, lubog ako sa utang sa OLAs ngayon.
Atome Card - 27,566.71
Atome Cash - 5,960
Billease - 30,684
Gloan - 25,008.19
GCredit - 2,222.88
GGives- 14,982.06
Juanhand - 24,082
TikTok Paylater - 3720.60
Total - 141,482.59
Sa lahat ng utang na ito, Atome na lang ako walang OD. Though days pa lang naman ang OD ko sa mga utang na ito, alam ko na sa current financial situation ko ay hindi ko pa kaya magbayad. 😭
Maliit lang ito noong una eh; aminado po ako na namismanage ko ang pera na meron ako (hindi po ako nagsusugal). Nagtapal system din ako kaya lumaki ng ganito.
Currently po ay inaaral ko ang VA at gusto alam kong need ko ng additional income para makabayad kahit papaano. Pero meantime na wala pa po akong client, any advice po, please? Ano po ang dapat ko gawin? 😭 Alin po sa mga loans na ito ang aggressive at need makabayad talaga kaagad? Halos di na rin po ako makatulog kakaisip, super anxious na rin po ako na baka pati sa opisina eh malaman po itong sitwasyon ko. Ayoko rin po malaman ng pamilya ko. 😭😭