ETEEAP JOURNEY - PUP 2026-2027
Nag-enroll ako kahapon para sa last set of subjects ko sa PUP ETEEAP - BSBA Major in Marketing Management. Kung walang aberya, graduation na next year. 😊
As usual, sobrang accommodating ng staff at mabilis lang ang enrollment.
So far, nasa around ₱60k na ang tuition ko (₱40k first sem for 8 subjects, then ₱20k this sem for 4 subjects), tapos may around ₱13k pa akong babayaran for subject accreditation. Hindi siya mura, pero para sa flexibility at pangalan ng school, okay na rin para sa akin.
Isa sa mga nagustuhan ko sa program ay modular siya. Walang everyday classes, so ikaw talaga ang magma-manage ng oras mo. Noong first sem, may mga subjects akong natapos within two days dahil tinutukan ko.
Isa pang nagustuhan ko, pinakuha agad sa akin noong first sem yung tatlong major subjects: Business Research, Marketing Research, at Feasibility Study. Ang maganda, iisang thesis lang ang ginawa ko at iyon na rin ang pinasa at naging basis ng grade ko sa tatlong subjects. Hindi ibig sabihin nun na puwede mo nang i-ignore yung dalawa. Kailangan mo pa rin silang basahin dahil malaking tulong sila sa paggawa ng thesis.
Sa experience ko, wala ring oral defense. Pinasa ko lang yung final thesis ko at iyon na ang chineck at ginrade.
Regarding AI, yes, malaking tulong siya sa pag-aaral at pag-organize ng ideas. Pero may Turnitin at AI detection sila, kaya hindi puwedeng ipaubaya lahat sa AI. Gamitin siya as a tool, pero siguraduhin na sarili mo pa rin ang pagkakasulat at naiintindihan mo talaga yung laman ng paper.
So far, wala pa naman akong naging bad experience sa PUP. Para sa mga nagbabalak kumuha ng BSBA Marketing Management o ibang ETEEAP program pero kinakabahan o nag-aalinlangan gaya ko noon, push niyo na. Akala ko rin dati sobrang hirap at baka hindi ko kayanin. Mas manageable pala siya kaysa sa iniisip ko, lalo na kung marunong kang mag-manage ng oras at committed kang tapusin.