The Hardest Part Is Knowing When to Stop
Last time, I almost blew ₱1M and almost lost all the savings I worked so hard to build for the past two years. I told myself, “Last ₱70K cash-in. Pag natalo pa, hihinto na talaga ako.”
Siguro pinagbigyan lang ako ng Diyos, ng tadhana, or whatever it is, but I was able to get back all my loss and finished ahead. I stopped when I got to ₱1.2M, so technically, nanalo pa ako ng ₱100K.
Pero grabe, sobrang hirap. It was nerve-wracking. Sobrang nakaka-nerbyos yung constant ups and downs, yung panalo-bawi ng taya, and yung feeling na isang wrong move lang, pwedeng mawala lahat.
The next day, may ₱190K cashback ako. Lumaki sa haba ng paglalaro ko dahil naghahabol ng talo. Nilaro ko rin yun, and I got it up to ₱600K. So in total, around ₱700K yung winnings ko.
Pero sa totoo lang, ayoko na. Gusto ko na talagang huminto. Kaso I still keep finding myself playing. Nananalo pa rin ako, ₱40K, ₱50K in a day, but honestly, aware naman ako na hindi na ito maganda. I'm getting hooked. And I know one day, if I still keep playing, maipapatalo ko na naman lahat, & baka at that time, hindi ko na mabawi. I know, ang bobo ko at ang tigas din talaga ng ulo ko. 😔
Sana after tomorrow's cashback, makapag-self-exclude na ako. I really want to stop while I'm still ahead. Ayoko nang hintayin na kailangan ko pang mawala ulit lahat bago ako tuluyang tumigil.
Meron ba dito na naka-walk away successfully while you're still up ahead? Any tips? 🥹