Pag-IBIG House Construction Loan: Parents’ Name on TCT, 150 sqm Portion Is Mine
Hi po, ask ko lang po sa mga may experience sa Pag-IBIG Housing Loan, specifically house construction.
Yung concern ko po is yung lupa na pagtatayuan ng house. Nasa pangalan po ng father and mother ko ang TCT, around 1,000 sqm yung total lot, pero yung 150 sqm portion lang po ang allotted sa akin kung saan ako magtatayo ng bahay.
Possible po ba na gamitin yung property under accommodation mortgage kahit hindi sa pangalan ko ang title? Kailangan po ba maging co-borrower ang parents ko, or co-mortgagor/accommodation mortgagor lang sila since sila ang owners ng title?
Also, kailangan po ba na ipa-subdivide at ipa-transfer muna sa name ko yung 150 sqm bago ma-approve/finalize ang Pag-IBIG loan?
Ayoko rin po sanang i-transfer agad yung title without knowing if necessary, kasi baka magkaroon ng additional expenses. And if the whole 1,000 sqm TCT will be used as collateral, may concern din po kami in case kailangan naming ibenta or i-subdivide yung remaining 850 sqm in the future.
Sa mga naka-experience po ng same situation, ano po yung naging process ninyo? Thank you po!