u/Silly-Bug-500

Inulat ko na INC kong BF na maytungkulin

For context, I am a Born again Christian, never nagpa convert kasi ayaw ko magpa convert dahil lang sa lalaki. I want to find it in myself if I am really for their church. So my INC bf (35yrs old), napagod na maghintay sa akin kung magpapa convert ba ako cheated on me sa kawork nya na willing daw maging Iglesia.

Inulat ko sya sa church nila, nag gather ako ng evidence kasi taga sanlibutan din naman ang ipinalit sa'kin. I guess I am so traumatized and mad sa ginawa nya sakin. Alam ko ding may kasalanan ako kasi nag entertain ako ng hindi ko kareligion. Muntikan na din ako magpa convert pero nung nalaman ko na niloloko na ako, hindi na ako nagpatuloy. Mahal ko sya, kaso I was so devastated sa ginawa nya. Hindi ko akalain na lolokohin nya ako. As an INC, my bf is so calm, collected, paladasal, mabait... Pero nasa loob pala ang kulo. Btw, may tungkulin din ang BF ko sa church and even parents nya may tungkulin din.

For someone na hindi Iglesia, sabi nila malakas daw loob ko kasi nakausap ko mismo ang ministro ng lokal nila. With all the pieces of evidence na dala ko, sapat na daw 'yun sabi ng ministro. Unang tanong agad sakin, are we engaging daw ba sa premarital sex. We were together for 5.5 years but we have never done the deed pa, pero hanggang third base lang. I told the ministro everything and I asked if considered ba ang third base as premarital sex. He said yes. And I said if that's the case, then yes we're engaging in premarital sex.

To make my long post short, sa mga fellow INC dyan, sa tingin nyo matitiwalag 'tong cheater kong ex? Alam ko I should have moved on na pero nasa anger stage kasi talaga ako ngayon. Ibang klase talaga ang maloko. Sa 6 years, may plans na kami sa future pero ang hindi na lang nagagawa is ang umanib pa, dahil I am still finding in myself kung bukal ba sa loob ang gagawin ko.

Kinuwento ko sa ministro na nakiusap ang BF ko at mga magulang nya na 'wag ko silang iuulat. The ministro said wag daw ako matakot. Pinangaralan din ako about sa doctrine nila na ngayon ko lang narerealize kung gaano kamali ang ginawa ng bf ko na i-date ako habang natupad sya sa tungkulin.

Gusto ko na matanggal galit sa puso ko. Ayaw ko talaga syang iulat pero wala na nagawa ko na.. part of me din ayaw ko na alamin kung ano ang hatol ng church nila, kasi mamaya mafrustrate lang ako sa result. Kaya gusto ko din mag tanong sa ibang members ng INC 😭

Pero may part din sa loob ko na baka hindi naman pansinin yung ulat ko dahil taga sanlibutan ako. Pero kahit man lang sana ipatawag sila sa lokal nila or mapahiya, big deal na yun sakin dahil linis linisan kasi pamilya netong boyfriend ko.

reddit.com
u/Silly-Bug-500 — 11 hours ago