u/Sinosta

▲ 11 r/phlgbt

7 years gone to drain

Hays. Isang malaking hininga nalang nung sinabi kong goodbye at maraming salamat sa lahat.

28 years old palang ako currently pero ang gusto ko lang naman magkaroon ng makakasama sa pagtanda.

Di ako tumingin, tumikim, or anything sa ibang tao, within those years kasi sa di malamang dahilan, mahal na mahal ko yung boyfriend ko.

Parehas kaming professional, so walang issue sa pera. Magkaedad lang rin kami. Yung vision namin yumaman ng sabay at tumandang relaxed.

Pero somehow nasira parin kami. May mga di pagkakaunawaan. Di pagkakaintindihan. Binigyan ko siya ng second chance pero mukhang mali ako doon.

Second chance. Second chance. Kala ko magic word eh. Di naman pala. Binigyan ko ng effort base sa alam ko.

Aaminin ko, di ako magaling na paulit ulit ipakita ang pagmamahal ko. Di ko na rereinforced na mahal ko ang taong yon. Kasi sabi nga niya, sana daw mas madalas ako mag pakita ng paglalambing sa text.

Sa tingin ko doon ako nagkulang. Pero sa ibang bagay, di ko alam. Alam ko lang, mahal ko ang taong yon. Alam ko lang, susubukan ko in all of my knowledge na tulungan siya kung may tanong siya. Susubukan ko puntahan pa siya doon kasi may pera naman ako pang punta doon sa probinsya na yon.

Hays. Hays nanaman. Siguro pagod lang ako ngayong araw. Siguro nakakalungkot lang na yung kala kong forever, gone forever na.

Buti nalang nandiyan mga kapatid ko para dramahan ko. Alam naman nilang bading ako kahit lalaking lalaki silang lahat. Sinabihan nalang nila ako na ganyan talaga. Mahirap magtiwala sa cracked na tiwala.

Maybe I'm tired too? Gusto ko lang magmahal. Not to the point na mababaliw ako sa pagmamahal. Pero gusto ko lang ishare sa mahal ko yung mga nangyayari sakin, sa mga pusa ko, sa trabaho, alam mo yung ganon?

Gusto ko umiyak pero mukhang ayaw pa ulit ng utak ko. Mukhang mas prefer niya sumuka nalang at matulog.

Buti nalang wfh me. Kundi binaha na nga ako, baha pa ang mga mata ko.

Sorry sa napakahabang useless na rant. Thank you sa mga nagbasa. I hope makahanap tayo ng pagmamahal na tatanggapin tayo.

reddit.com
u/Sinosta — 2 days ago