My sponsor/sugar experience
Twice na ako naofferan ng sponsorship/sugar bb. Noong una, ang promise ay "clean" setup. Walang kapalit, nanghingi lang picture to check kung trip nila ko. Fortunately, pasado naman looks ko sakanila. Sabi pa sumasaya lang daw talaga sila pag may napapasaya silang ibang tao. Nakakabasa naman na ako ng ganitong posts dito sa Reddit pero mahirap pa rin paniwalaan.
Skeptical ako, pero sponsor na ang lumalapit, aayaw pa ba ako? Pumayag ako. Legit din naman na nageenjoy ako makipagkwentuhan. Lalo na mas matatanda sila sakin. Ive grown to realize attracted pala ako to people much older than me. Parang madami silang baon na kwento kaya madali sakin makipagusap sakanila. Parang tropa lang. It was fine at first. Kwentuhan, kulitan. Friendship na may kasamang pangsspoil. Ang ideal diba? Bilang lalaki na expected maging provider, masarap din pala na ako naman nakakatanggap. Ang saya.
Pero eventually, unti-unti nang pumapasok yung mga "requests." Selfie muna, tapos video call, hanggang sa nagiging sexual na. Topless, bulge, hanggang dick pics. Minsan pabiro pero halatang yun talaga ang gusto nilang mangyari. Hindi ko rin naman sila masisisi totally. Pag pinaggagastusan ka kasi, parang nabubuo yung sense of entitlement nilang humingi ng kapalit. I get it. Ang problema ko lang dun ay natanong ko naman na nung una pa lang kung sexual ba ang kapalit ng pagbibigay nila. Hindi naman daw. Ang off lang kasi hindi naman 'yun ang initial na usapan. Disappointing na as usual and as expected, sa libog din pala ang bagsak ng lahat.
Sayang lang. Gusto ko sana mag focus sa passion ko as an artist without worrying about money. In an ideal world, sana mayroon talagang tao na willing sumuporta sa growth mo as tao lang just because they believe in you at gusto ka nila as a companion, hindi dahil gusto ka nilang hubaran.
Hindi ko alam kung masyado lang akong idealistic. I guess I’m just saying na be straightforward kung magaalok kayo ng ganitong setup. Sayang ang nainvest na time at nabuong connection e.
I'm not really looking for one but I'm open only IF decent. Just sharing my story (now that I have enough karma. lol)