u/SnooPies452

Si Henry Alcantara ba ito? Fan pala ng Ginebra. 🤣
▲ 43 r/PBA

Si Henry Alcantara ba ito? Fan pala ng Ginebra. 🤣

Nanunuod lang ako ng highlight, tas may familiar na mukha. 🤣

u/SnooPies452 — 14 hours ago

600k CC loan for Home Improvement. Hirap pala talaga maging adult.

Matagal na naming plano pataasan yung bahay namin. For context, lagi po kaming binabaha, so ang choice lang talaga namin ay kundi lilipat, ay pataasan yung bahay. Yung bahay po namin, 3rd floor na siya, and tbh, kapag may bagyo, sure naman akong makakasurvive kami, ang hassle lang talaga mag akyat ng gamit. Nakakapagod, plus yung anxiety pa na aabutin kayo ng baha at maglilinis. Kaya kami ng Mom ko, naisip namin na mag pataas nalang ng 4th floor, para di rin ganun kakaba kaba kapag may bagyo. Bali ang plan is, papaupahan namin yung 1st floor, then 2nd to 4th kami titira.

Now, madalas akong tawagan ng mga agent ng ibat ibang bangko para mag avail ng loan nila. Most of the time, di ko pinapansin. Hinahayaan ko lang. Pero yun, since may promo offer yung bank na 0.48%, at talagang gusto na namin pataasan yung bahay, pinatos ko na. Inisip ko nalang mababawi ko naman sa upa. Ang kinuha kong term is P19,500++ monthly for 3 years. I could gave gone for 4 or 5 yrs pero personally, ayokong may utang nang matagal.

Ngayon excited nako, kasi yung 4th floor will be mine lang and for my partner. Meron ding space for other items pero parang gusto ko gawing chill place lang.

Mahihirapan ba ako makabayad? Most definitely, pero kakayanin. Ganun naman talaga ang adulting, mahirap. Aside from the upa sa first floor namin, if ever makapag ipon pa ko ng para sa bagong bahay, may option akong ibenta ito or gawing paupahan para passive income.

Wala lang. Share ko lang yung excitement ko.

reddit.com
u/SnooPies452 — 16 days ago