How do you deal with people who casually ask for referrals and even salary details like it’s nothing?
Medyo naiinis na ako lately sa mga tao na biglang lalapit tapos ang unang tanong is “anong work mo?” then sunod agad “pwede pa-refer?” or “ipasok mo naman ako jan.”
Parang ang dali lang para sa kanila, pero hindi nila nakikita na may proseso yun at hindi rin naman basta-basta na pwede mo lang isingit kahit sino.
May iba pa na sobrang personal na magtanong like ano exactly ginagawa ko, anong niche, and minsan pati magkano sahod. Hindi naman ako uncomfortable mag-share minsan, pero yung tone kasi parang entitled or expected na sagutin mo lahat.
For me okay lang magtanong, pero sana may respeto din at hindi parang obligation ko i-share or i-refer agad.
How do you usually handle this kind of people without sounding rude?