Gg relapse
clean for 6 months, then nagrelapse 2 weeks ago. And tonight ulit since binalik sakin ng wife ko yung isang phone ko na may access sa online bank and e wallets. Sumilip lang sa site kasi may cashback pa na halos 30k na di kinukuha. Sinubukan laruin, naubos tapos nagyosi saglit then nag cashin ng 100k. Ayun, in less than 30 mins ubos. Nagcashin ulit ng 57k and guess what? ubos pa rin.
Sinubukan ko na pigilan sarili ko na mag cashin ulit kasi alam ko na ending nito. Manhid na ko sa ganitong pakiramdam kaya di ko pa nararamdaman ngayon na talo ako. Pero alam ko in the coming days na magsisink in to. Di naman ako mayaman para di indahin yung natalo pero ayoko na lang talaga isipin kasi baka kung ano pa maisip ko gawin. Itutulala ko nalang siguro ng isang linggo habang nagtatrabaho.
Ewan ano bang pumasok sa isip at sinilip pa yung cashback na pinangako ko ng di ko na kukunin. Maling mali talaga yung move na yun. And mukhang isusurrender ko na ulit tong phone sa misis ko for good na kasi di ko talaga kaya kontrolin sarili ko. Kala ko malakas na ko. Hays. Nakakapuny3t@ lang. Nakabawi na ko sa talo ko before magrelapse kasi nagfocus sa work and business tapos bumalik na naman ako. Sarap sapakin ng sarili ko.
Update 11 am: Sinabi ko na sa asawa ko and di sya nagsalita. Binigay ko naulit sa kanya yung phone ko na may access sa online wallets/banks. Binigyan nya nalang ulit ako ng cash na 17k allowance ko for the week. Di na talaga ko magpapakampante pag dating sa sugal, matic relapse mangyayari.