bdo credit card delivery scam
may tumawag sakin to confirm if nadeliver na raw ba yung credit card ko. tapos nag answer naman ako yes. tapos kinonfirm sakin if tama raw babyung 4 last digits of my credit card number (unfortunately, i confirmed) and i was outside kaya sinasabi ko sakanya na nasa labas pa kasi ako pwede bang mamaya nalang nag lalakad.sabi ba naman sakin gumilid daw muna ako kasi para maasikaso na raw yung no annual fee for life. sabi kapag naka spend daw ako ng 3000 php, mawwaive na yung annual fee ko. seryoso?? 3k??? nag dududa na ako diro pero hinayaan ko lang. Tapos nect na hiningi sakin ay yung username ko sa app. (unfortunately nabigay ko rin) kasi sabi niya may nag expire raw akong points tapos yung mga natitira ko raw na points pwede raw nya iconvert as money to use sa hypermarket ganyan. so sabi ko okay sige. tapos aalis kasi talaga ako kaya sabi ko pwede bang mamaya na? “saglit lang to maam para magawa ko na pwede mo na gamitin mamaya” then okay sige. next naman sabi niya sakin “maam mali naman po yung username na binigay nyo” i know, i just know it from then na next na hihingin sakin yung OTP ko next kaya binabaan ko na siya.
i know dapat redflag na yung pagiging pushy niya pero hunayaan ko padin huhu
so, sa tingin niyo po ba need ko mag request ng bagong credit card? or hindi naman na compromise yung new credit card ko sa mga binigay kong info? hindi ko pa naactivate yung cc thank you huhu