u/SykoJambaJuice

Need legal advice po, cannot afford any lawyer. Trying to sustain my father's legacy and protect my minor sibling po.

Humihingi po ako ng payo dahil pumanaw po ang tatay ko kamakailan. May legal wife po siya na matagal nang separated sa kanya (hindi na-settle ang annulment kaya legally married pa rin sila). Noong nabubuhay ang tatay ko, nagkaroon sila ng Compromise Agreement sa korte na magbibigay lang ng suporta ang tatay ko at wala nang pakialaman sa buhay ng isa't isa. May nakalagay din po sa agreement na to "nurture each other's relationships". (May anak ang tatay ko at ang legal wife na 29 y/o na ngayon, pero nagka-anak din ang legal wife sa ibang lalaki habang kasal sila ng tatay ko).
Seafarer po ang tatay ko pero dito siya namatay sa Pinas at walang aktibong kontrata noong pumanaw siya. Nakatira po kami sa Iloilo kasama ang nanay ko (live-in partner ng tatay ko) at ang aming bunso na minor pa (16 years old). Ang legal wife ay nakatira sa Laguna at bigla na lang sumulpot nung namatay ang tatay ko dito sa Iloilo, at sinabihan pa kami na "Sa inyo noong buhay, sa akin na ngayon dahil patay na."
Ang mga ari-arian ng tatay ko:
Bahay: Nakapangalan sa tatay at nanay ko bilang co-owners sa Tax Declaration. Ang LUPA na tinatayuan nito ay 100% na nakapangalan sa Tito ko (kapatid ng tatay ko), at willing ang Tito ko na i-donate ang lote sa aming magkakapatid.
Dalawang Motor: Nakapangalan sa tatay ko, expired ang rehistro nang 2 taon, at kami ang humahawak ng orihinal na OR/CR.
Benefits/Claims: SSS, Pag-IBIG, OWWA, at Funeral Benefits.
Mga Tanong Ko Po:
Tungkol sa Bahay: Makukuha po ba ng legal wife ang bahay namin kahit co-owned ito ng nanay ko sa Tax Dec at nakatayo sa LUPA ng Tito ko?
Tungkol sa Motor: Makukuha o maibebenta niya ba ang mga motor kahit wala siyang OR/CR at ayaw naming mga anak (na co-heirs)?
Tungkol sa OWWA & Pag-IBIG: Sabi ng OWWA at Pag-IBIG, kailangan ng Extrajudicial Settlement (EJS) na may pirma ng lahat ng heirs. Posible po ba na pumunta siya sa korte para gawin siyang "Administrator" ng estate para siya lang ang makakuha ng pera nang wala kaming pirma?
Tungkol sa SSS & Minor Sibling: Madidisqualify po ba ang legal wife sa SSS pension/claims dahil nagka-anak siya sa ibang lalaki (adultery/abandonment)? At paano po ang karapatan ng kapatid kong minor?
Tungkol sa Funeral Benefits: Ako (eldest child) ang nag-asikaso at nag-claim ng funeral benefit dahil kami ang nagbayad at nagpalibing sa tatay ko (ni piso ay walang ibinigay ang legal wife at hindi man lang pumunta sa lamay). Pangalan ko po yung nakalagay sa resibo kasi po ako po yung gumastos. Banta niya ay kakasuhan niya daw ako sa pag-claim nito. May laban ba siya?
Wala po kaming kakayahang kumuha ng private lawyer kaya humihingi po ako ng payo kung paano maprotektahan ang nanay ko at ang minor kong kapatid gamit lang yung PAO. Thank you po sa lahat ng willing po mag advice, badly needed po talaga.

reddit.com
u/SykoJambaJuice — 10 days ago