u/Sywapza

PDN or dialysis?

Need advice po huhu.

Nag-apply ako before as Private Duty Nurse and na-hire naman ako. Maganda talaga yung sahod and full-time dapat ako doon, kaso halos wala naman akong client noon. Parang sa isang buwan, 3 beses lang yata ako naka-duty kaya nag-decide ako mag-apply as dialysis nurse. Need ko rin kasi ng experience sa dialysis sakaling mag-abroad in the future. Hindi ko lang sinabi sa PDN agency na may iba akong work.

Na-hire din ako as dialysis nurse. Okay naman yung work, stable yung pasok, at nagustuhan ko na rin yung ginagawa ko. Kaso mas mababa talaga yung sahod compared sa PDN. Pero nitong May, sunod-sunod naman bigla yung tawag sakin sa PDN. Reliever pa lang ako pero natatapat naman sa off ko sa dialysis kaya nakakapasok ako sa cases. Paldo talaga sa sahod.

Ngayon nahihirapan ako kasi bawal pagsabayin since full-time dapat ako sa kanilang dalawa. Need ko na mamili kung PDN ba na mas mataas sahod pero hindi sure kung tuloy-tuloy ang client, or dialysis na mas mababa sahod pero stable yung income at may experience pa for the future.

Feeling ko kailangan ko na mag-AWOL sa isa sa kanila huhu

reddit.com
u/Sywapza — 1 day ago