u/Tangerines_Clem

tangina ng ate kong dog lover kuno

Ang tagal ko nang kinikimkim tong galit ko sa kanya, especially sa mga lumalabas sa bibig niya. Nakakainis. Nakakabwisit. Sa tuwing pupunta siya sa bahay para magturok ng peptides sa sarili niya. Lagi siyang may comment sa isa sa mga aspin naming paralyzed (he's currently fighting distemper). Ako madalas mag-alaga sa aso naming yon at yes, baby na kung baby. Today, tinutukan ko sya ng fan dahil nga sa init ng panahon saka hindi siya pwedeng mag-overheat.

Tapos etong ate ko, nagremark uli sya na, "wow, ang social naman ni (name ng dog namin.)" sa isip ko, ano naman? eh sila nga ng aso nyang mga shih tzu naka-aircon. Pag ba walang lahi, di pwedeng ma-baby ganon??? nakakabwiset. Ang daming nyang comment sa aso namin na paralyzed, na kesyo ang arte raw kailangan pa subuan... mas maarte pa raw sa mga shih tzu nya. Saka tangina inaano ba siya ng aso namin? pati ba naman aso hindi takas sa mga comments niya? ni hindi nga yan siya kinahulaan o ano nung nakakalakad pa, yun pa nga pinakamalambing sa lahat ng dogs namin. Saka nung pinagbantay nya ako ng mga dogs nya, need pa subuan gamit kutsara kahit walang sakit or nararamdaman (no hate to shih tzu, i love all dogs) so anong ibig sabihin nyang mas maarte sa dogs nya? Like ano bang point nya tangina bakit may laging comment sa paralyzed na aso namin???

Natural na iforce feed ko itong aso namin dahil nga paralyzed siya, hindi siya makainom o makakain on his own so need talaga ng assistance from time to time, kahit nga pagtae nya inaalalayan pa namin. Saka hindi nya alam hirap sa pag-aalaga na di niya naman nagawa nung pinagbantay namin siya. Puro lang sya reklamo about sa paralyzed dog namin na ang arte raw blah blah. Tangina niya. Hipokrito. Dog lover kuno. Sana tumikom bibig nya habang buhay kasi kahit sakin, kino-compare niya mukha nya sa mukha ko pag nakikita niya kong mukhang pagod o stress. Nakakainis. Pakyu.

add ko lang, she's already on her mid 30's na pero di pa rin nagbabago ugali niya. Maliit palang ako tinataray tarayan na ko kahit napatingin lang ako sa kanya. Pinsan namin siya, grandma and parents namin nag-guide sa kanya hanggang lumaki siya so parang older sister na rin namin.

reddit.com
u/Tangerines_Clem — 18 hours ago