▲ 13 r/MayConfessionAko
MCA nasasaktan pa din ako kapag may nag-uupdate sa akin tungkol sa ex ko kahit mag-2 years na kaming hiwalay.
Hi. 31F mag-32 na. Hahaha!
Nagagawa ko naman gusto ko, work-life balance, everyday papawis, travel.
Alam ko masaya ako, ramdam ko din naman.
Pero, bakit kapag may nag-update sa akin about ex ko, nalulungkot ako. Pakiramdam ko sinisikmuraan pa din ako.
Wala naman kaming communication non, never din ako nagstalk. Pero ngayon, napapapost ako dito kasi nagkwento workmate ko na, “Uy be, ang saya niya with new gf, ganda pictures nila.”
Hahahahaha!!! Ayaw ko ng nararamdaman ko. 🥹🥹🥹
u/TemporaryBuddy-0422 — 1 day ago