▲ 21 r/BulacanPH
Binabaha na din ang Pulilan ngayon
Dati hindi naman binabaha ang Pulilan, lalo na sa bandang bukid. Pero simula nung nagsulputan yung mga warehouse ng RIS at Jolly, binaha na yung mga kalapit na barangay. Palibasa walang drainage plan. Nakakalungkot na yung dating maayos at mapayapa naming pamumuhay e naperwisyo dahil sa mga warehouse ng chinese na yan.
Nakakapagtaka naman na ang LGU ay approve na lang nag approve at bigay ng permit sa mga yan. Sana kinonsider din nila yung mga kalapit na residente na apektado. Nakakatakot sa mga susunod na mga taon pa, dahil patuloy pa din ang pagtatayo ng mga warehouse dito. Sino ba ang dapat sisihin? At kanino dapat humingi ng tulong? Ang hirap!
u/Terrible-Addendum136 — 1 day ago