r/BulacanPH

Planning na bumili ng lot sa Northridge Heights, Sto Cristo, SJDM

Planning na bumili ng lot sa Northridge Heights, Sto Cristo, SJDM

Hello po. Planning po kami na bumili ng lupa sa Northridge Heights. Pupunta po ako today for viewing lang ng community and ma feel if okay sya.

Background:
-M26 Married
-Pregnant si misis (EDD April 2027)
-Working Remotely (Full WAHA)
-May Car and Motor
-Bibilhin cash yung lote (120sqm - 240sqm)
-Patatayuan ng bahay in 2-3 years time (Forever home)
-Taga NorthCal currently (renting)
-We only go out kapag mamamalengke, check up, vacation, mall shopping/eat out (2x a month). Taong bahay lang po talaga kami

Search I did:
-Mukang di naman sya tatamaan ng West Valley Fault
-Walang baha
-May security (guard)
-Issues sa water supply

Question:
-Kamusta po overall safety sa lugar?
-May issue pa rin po ba sa water supply? (Gaano kadalas sa isang linggo may tubig? May schedule po ba kung kailan lang may tubig? Possible kayang mag install ng deepwell for secondary source ng tubig? Smart na ba maginstall ng 2k liters tank or kkukulangin pa rin?)
-Kamusta po kuryente pag maulan? pag regular days? may rotational brownout po ba?
-Ano pong available na ISP? May fiber optic network po ba or wireless lang?
-Pwede ba ako magtayo ng sarili kong design ng bahay?

What I want to achieve:
-Peaceful and safe home para sa family ko.

PS
-If may di po ako naisama sa questions, feel free to share anything po.

Thanks po in advance!!!

u/Healthy-Kangaroo-113 — 4 days ago

Plaridel: Pagpapaganda at pagsasaayos ng simbahan

Plaridel, Bulacan: kamakailan lang nung pinalitan nila ang stained glass window ng simbahan at inuulit na naman nila yung failed design/art nila. pero this time sa loob naman. hindi ko lang magets ang thought process ng mga nasa simabahn. tapos gagamitan nila ng ai para sa design. anuna?

u/Emergency-Clue-5375 — 5 days ago

Bagong Cafe Restaurant sa Angat

Grabe din talaga itong si Mayor Jowar ng Angat. Dati yung trucking business lang niya ang lantaran. Ngayon itong bagong Cafe resto sa tapat ng bagong Munisipyo ng Angat, alam na alam mo na sa kanya. Yung asawa at anak niya araw-araw nasa resto. May pa-tiktok pa yan?

Ganun na ba talaga kawalang delikadesa ang mga corrupt officials, lantaran na lang na para bang walang "Conflict of Interest". Sana talaga matalo na 'to sa susunod na election.

u/Redit-tideR — 5 days ago
▲ 27 r/BulacanPH+1 crossposts

St. Agatha Homes, Malolos, Bulacan

RED FLAG SUBDIVISION! St. Agatha Homes Malolos Bulacan

Wag na wag kayo bibili ng property dito. Ang daming reklamo dito, hindi inaaddress ng developer komo walang formal complaint, but kitang kita naman ang problema.

  1. Binabaha ung mga dating hindi naman, nagsimula ito mula nang magtambak para sa phase 5 project

  2. Maraming nakawan lalo na sa mga outer parts, dahil walang bakod sa likod. Open for all sa likod, minsan nga may mga baka pa na nakakapasok.

  3. Ang tubig, laging nagkakaproblema. Pag nagbrownout wala nang tubig, walang contingency plan. Bukod dito, napaka mahal pa ng rate. Yung water meter pinalitan at pinabayaran pa nila mula nang magpalit ng provider, Php 5200 pagkakaalala ko.

  4. Nung bibili palang kami dito, madami daw amenities. Swimming pool, soccer field, playground etc. Sarado na ung swimming pool, ung playground at soccer field kuno laging may tae ng mga aso. Yung playground monkey bars lang ang meron, ung mga cemented na upuan basag pa yunh iba.

  5. Lighting, sa ngayon wala nang ilaw sa streetlights dito. Tinanggal na. Hindi na daw nakabayad yung developer.

  6. Stray dogs/cats napakadami, kaya ang daming land mine tuwing umaga habang nagjojogging. Bonus round pa kung bigla kang habulin. Napakadugyot pa ng mga kalsada dahil sa mga strays na nagbubulatlat.

  7. Pag namigay ng ayuda si mayor(kay mayor itong subdivision), dadagsa papasok yung mga taga Guiguinto para pumila at magclaim ng mga ayuda nila. Free for all na to, makakakita ka nalang ng mga naglalakad kung saan saan sa buong subdivision.

  8. Parang gubat ang mga bakanteng lote, hindi minemaintain ng lot owner or developer. Kailangan mo pa ipagrass cut ng private kung gusto mo medyo umayos sa paligid mo.

  9. Tuwing year end, makakatanggap ka ng sobre sa bahay nyo. Siguro para sa iba ok lang Mas ok sana kung tumanggap nalang sila, hindi manghingi. a. Guard b. Grass cutter (na hindi naman regular na nagcucut) c. Maintenance d. E-BIKERS e. Etc

Tapos nagbebenta sila ng lupa 20k plus per square meter? Edi wow.

reddit.com
u/Old-Dark-1556 — 6 days ago

LF: Murang crabs and shrimps in Malolos or nearby

Hi, may alam ba kayo na murang bilihan ng crabs and shrimps sa Malolos or nearby? Namili kasi kami kanina sa supermarket - ANG MAHAAAAAAL. Or not sure baka ganito talaga presyuhan ngayon. Parang 500+ per kilo. 4pcs binili namin lagpas half kilo so nasa 300+ siya.

Baka may alam kayo. Cravings lang namin kasi now sa bahay 😅

reddit.com
u/misguidedghost25 — 5 days ago
▲ 26 r/BulacanPH+1 crossposts

OUR TAXES GOT YOUR INSECURE A** an Innova

Malolos Bulacan

Government plate, "Lawyer" plate holder, Gun carrier sticker --- the question is why? is this appropriate? Whos the driver? so feeling niyo sa inyo na tong oto na tax payers ang nagbabayad?

while not in this photo, bonus pa diyan yung no signal swerving na pagka kamote nito sa pag drive

I have so many questions and assumptions. Im so pissed 🤣

what are your thoughts, bulakenyo?

u/Odd-Survey-7788 — 13 days ago

What if ganto mangyari sa mga ilog natin tulad sa ilog ng calumpit at sta. maria?

What if lang sa ilog katulad sa calumpit o sa sta. maria, may mga artificial wetland para gumanda yung public place at less floods. Pinanood ko yung bidyo at nakakatulong rin talaga sa paglinis ng ilog at nabibigyan ng habitat ang mga hayop na native sa area. What if lng nman noh, what if. If yumaman ako, gagawa ako ng NGO para dito, if yumaman huhu

u/grand_cha2 — 14 days ago