u/TheCurseYouWanted

Kaya paborito yung irresponsable o mahina kuno na anak dahil navavalidate nito yung identity ng magulang bilang morally superior at sacrificial hero.

Countless stories I heard about favoritism. Naranasan ko rin yan. Common sa Pinoy household na paborito yung irresponsable, batugan, at "mahina" kuno na anak.

Usually, yung nanay, paborito yung mahina kuno na anak. Lalo kapag housewife ang nanay, walang trabaho at nasa bahay. Navavalidate dito yung motherhood identity nila kasi para sa kanila ang kaya nilang i-offer ay moral support at pagsalo sa gawaing bahay na hindi ginagawa ng irresponsableng anak. Na mabuti silang nanay sa paningin ng karamihan kasi tinanggap at hindi nila pinabayaan yung anak nila na batugan o pabigat.

Ito na rin yung explanation kung bakit ayaw nila doon sa independent, maayos ang pagkatao, hindi pabigat, at may maayos na trabaho. Kasi kaya nito ang mga sarili nila at hindi inaasa lahat sa magulang. Hindi nararamdaman ng magulang na kailangan sila. Worst, sa paningin ng magulang mayabang sila.

View Poll

reddit.com
u/TheCurseYouWanted — 2 days ago

John Vincent Dominic, nasaan ka? Haha

John Vincent Dominic ______ asan ka?!

Yan daw yung name ng gwapong lalaki sa panaginip ko. Bihira lang ako makaalala ng panaginip, esp specific details, pero hindi ko nalimutan yang pangalan na yan! Except sa surname, huhu. Yan agad nasa isip ko paggising.

Yung scene is ganito, naglalakad ako sa isang busy street, may nakasalubong akong group ng guys, they're 6 members, wearing a white uniform, I think they're in college. One guy smiled widely at me, gwapo sya ha as in parang Rico Yan, I just half smiled and nodded. PERO napatitig ako sa katabi nya, because he’s exactly my type, MAPUTI, MATANGKAD, MAKAPAL KILAY, at GWAPO!

Since nagkasalubong lang naman kami, nalagpasan ko na sila. Next scene, nasa fast food ako, biglang may boses ng guys, at yung grupo nila yun. Nakain ako that time. Several mins pagdating nila, the RICO YAN type of guy approached me, umupo sa harap ko and greeted me. I am a confident and a playful woman too (bonus the looks!!), kaya I smiled and greeted him too.

If I remember correctly, gusto niya ako interviewhin para sa thesis something nila. Pwede naman daw virtual since nasa public place kami at baka mailang ako. So I agreed sa virtual, then he requested na if may marerecommend pa ako na pwede interviewhin, balitaan ko raw sya. Wow snowball sampling ha.

Napangisi ako that time at sabi ko sa kanya, "Sige, I will recommend, pero ano muna pangalan ng kaibigan mong maputi?" While looking dun sa kaibigan nya na type ko.

He shooked his head then replied, "Mas gwapo pa ako dun pero sige, John Vincent Dominic ____"

Napangiti pa ako nyan. Tapos nagising na ako, inuulit ulit ko yung name pero narealize ko di ko maalala yung apilido. I attempted to sleep again baka magcontinue dream ko kahit alam kong hindi! Haha.

So ito ako ngayon parang tanga na nagsesearch online ng John Vincent Dominic na di ko alam ang apilido! Hahahaha.

John Vincent Dominic, totoong tao ka ba talaga?

reddit.com
u/TheCurseYouWanted — 12 days ago