Ano yung mga “rematch” na gusto niyong mapanood?
“Rematch” kasi di naman sila nagbattle ng one-on-one, afaik. Baka mali ako.
Abra VS Saint Ice
Dos por dos tournament sila naglaban. Hindi straightforward ang judging. Last battle naman ni Abra, solid VS EJ Power. May flow as always, tapos technical and witty. Si Saint Ice naman, less na yung angas compared to his Ice Rocks days, pero mas may rapport ngayon sa crowd at mahilig maglaro ng concepts. Kung sakaling maglalaban sila ngayon, interesting kung ano’ng angles ang gagamitin nila. Sino mas nag mature, sino mas gwapo, inangasan ni Ice si Aric pero hindi na ban, etc.
Batas VS Tweng
Royal Rumble sila naglaban. Retired na si Batas, pero kung di siya nag migrate, baka may chance na naglaban sila ni Tweng since madalas naman ang Uprising VS Uprising na mga battle. Interesting kung maglalaban sila kasi parehas Visual Artist. Si Batas for sure may complex schemes, personals at selfie bars. Si Tweng, ay si Tweng haha. Bad trip din si Batas na binasag ni Tweng yung Illustrado Album so may additional motivation si Batas para i bodybag si Tweng. Kaso retired na eh so malabo na to.
Cripli VS Mhot
Rookies pa sila nung naglaban. Si Mhot, Champion at hanggang ngayon, undefeated. Si Cripli, all around rapper, may bars, flow, at jokes. Parehas silang mabenta sa crowd. Like, minsan di naman solid yung linya pero dahil sila nag spit, may crowd reaction. Kung mangyayari to, most likely si Mhot parin mananalo, pero di niya maba bodybag si Cripli.
Kayo, ano’ng mga rematch na gusto niyong mapanood? At bakit? Ok lang kahit nag battle na sila ng one-on-one.