Bakit kaya walang modo bumibili sa mcdo tayabas?
Bibili sana ako sa mcdo tayabas kasi natripan ko lang at tanggal pagod lang rin.
So nakapila na ako sa kiosk at may service crew na nag aassist sa mga umoorder/ nag aassist sa pag kuha ng order sa kiosk.
Noong turn ko na, yung matandang babae mga late 50s siguro na nasa LIKOD ko, bigla sya sumilip at sinabi sa service crew yung order nya. So tiningnan ko talaga tong babaeng to baka sakaling lamunin ng hiya. Pero hindi! Tuloy tuloy lang sya sa paorder nya. Itong service crew in-entertain naman sya. LOL ano silbi ng pila kung ganon naman pala gagawin? May humirit pa na isang matanda sa likod nya na baka pwede mauna sya. Juskolord.
Anyways, pagod na rin ako at ayaw makipag talo.