





Online baccarat palaro scam
Throwaway account for privacy purposes.
Nabiktima ako ng baccarat palaro scam sa threads. There’s this account on threads posting na naghahanap siya ng magpapalaro sa kaniya sa baccarat. Ang mangyayari is magbibigay ka ng capital sa kaniya then lalaruin niya until madoble yung capital mo plus profit for him. Example ay 3k ang isesend mo then gagawin niyang 7.5k, 1.5k is kaniya. And nagsasabi din siya na on video call niya gagawin yung paglalaro para makita mo mismo.
Dun ako nagkamali.
Nagmessage ako inquiring then ganyan ang sinabj niya sakin. Then nagcall kami sa IG. He sent proofs ng online transfers and conversations with his “clients” Then nag share screen siya sa video call, showing his account sa online casino. Then recent withdrawals. Finilter niya from august 1 - august 15 then ang total ay nasa 500k. Nagsend din siya ng video, screen record na nakavideo call siya with a “client” habang naglalaro siya ng baccarat online.
Ang nangyari ay nagsend siya ng qr na derecho cash in sa online casino. I did. Very stupid of me. Then nagshare screen siya, it showed yung account niya sa online casino and pumasok na sa balance niya yung sinend kong pera. Then pinakita niya on call na naglalaro siya ng bacarrat using the money I sent. Nakailang wins siya then suddenly sabi niya lipat siya sa ipad kasi lobat na daw phone niya. Then next thing I know, blocked na ako sa threads and sa IG.
Hindi ko alam kung bakit ako napapayag. Naisip ko lang kasi siguro quick money. And napaniwala ako na legit siya. With all the screenshots, videos and even yung withdrawal transactions niya sa online casino. It’s all on me. Charge to experience na lang talaga. Magagawa ko lang ngayon is to spread awareness and sana wala na siyang mabiktima. Mukhang may mga kasama siya dito. The so called “clients” for sure ay mga kasabwat niya.
Attach ko yung threads and IG account niya. Same username for both. I used a different one para makita yung account. Active pa ang gago sa threads. Sama ko na rin yung screenshots ng conversation namin on the account I used to talk to him to show na I got blocked.