MCA I think I have menophilia
I(26M), gusto kong I share lahat dito about sa ganitong psychological condition(I think) na pinagdusahan ko for over the years
sa tuwing nalalaman ko na ang isang babae, especially kapag crush ko, ay may period(for example, nalaman ko na ang crush ko, may mens sa ngayon), tumataas agad ang energy level ko, at nagsisimula ng pagiging hyperactive ko.
bigla nalang ito nagti-trigger ng hyperactivity, na similar sa ADHD, kaya ang epekto, bigla nalang akong nagmamabilis sa mga gawain ko, na parang nagmamadali ako, nagiging careless ako, at nagiging padalos-dalos ako sa mga ginagawa ko, tapos lahat nalang ng kalokohan, nagagawa ko, and one time, kinaya kong buhatin nang mag isa ang refrigerator sa workplace ko during that surge.
pero sa kabila niyan, hindi ko rin to lahat ginusto, lalo na't may involve na menstruation ng isang babae. kahit ako, natatakot na din sa ganitong kondisyon, kase ilang beses na din akong muntik madisgrasya in the middle of this surge. lalo na't mas matindi pa to noong nag aaral pa ako, compared ngayon, kase may isang beses na takbo ako ng takbo during that surge, at dun na ako muntik masagasaan ng isang SUV. and more recently, muntik na akong madulas habang nagmamadali, nakatungo ako sa kandado ng roll up door, at ang mas matindi pa, muntik pa akong makagat ng aso habang nagmamadali, lahat ng mga yan, nangyari yan during that surge. nag cause na din ako last time ng discomfort sa workplace ko dahil dito, at dito ako mas lalong natakot dahil baka magugulat nalang ako, bigla nalang ako ma lay-off dahil dito, since CoS worker pa naman ako, tapos sa government pa
kaya inagapan ko agad2, by means of drinking chamomile tea twice a day, as recommended by one of my workmates, na isa ding abogada. and then binawas bawasan ko din ang caffeine, especially sa kape at softdrinks, as adviced by my office crush at ng isa naming accountant. kaya ngayon, medyo ok na ako, nagiging kalmado na. kahit sabihin pa sakin na may mens sila ngayon, parang wala nalang sakin. tapos nano-notice na din daw nila na nagiging kalmado na ako, kaya naging stable na ang lahat. In short, I finally managed to control this surge bago pa maging huli ang lahat, at baka bigla nalang akong mawala sa mundo dahil dito(sinusustentuhan ko pa naman ang lola ko sa kanyang meds).