u/WhatIfSuntukinKita

Today in Philippine Popculture History

Today in Philippine Popculture History

Its August 20, the day that changed everything—for what will known as the "Dogshow Divas".

Nagsimula lang naman yan noong mag-guest si Macoy Dubs sa podcast show ni Baus Rufo na "Kaya Pa Ba?" podcast. At doon, nagkwentuhan lang sila; in a form of improv. Pinagusapan ang mga lugar, pagkain, at iba pang pwedeng talakayin.

From Market Market to Genivive Gozum (tama ba yung spelling huhu), walang mintis silang nagchikahan. walang period, walang comma. Paguusap na hindi matapos-tapos. After nito, nagkaroon na rin sila ng kanilang sariling podcast a month later. And the rest is history.

Nakakatuwa isipin, na ang isang simpleng chikahan lang ang magbibigay sa kanila ng malaking opportunity—both of them excel in their respective fields and they continue to fly with rainbow colors.

Today, Dogshow Divas is not only hosted by Baus and Macoy only—inopen nila ang opportunity sa iba pang mga personalities like Joy Barcoma and Tuesday Vargas. Patunay lamang ang Dogshow Influence.

From our homes to our offices; whether you listen on a bus, train, or even sa binooked mong grab or "ride-hailing app". Dogshow became part of our daily lives that shaped our PhilPop Culture.

Nawa'y magpatuloy pa ang dogshowang magiging bahagi ng ating Kasaysayan. Truly they are the Catalyst.

Happy Anniversary, DDS Nation

u/WhatIfSuntukinKita — 1 day ago

Speaking of sugal thing

Ngayon usap-usapan ang "Iphone giveaway" ni Ivana Alawi. Dahil sa pagpromote niya ng isang online gambling.

May tanong ako sa mga redditors na grumaduate galing UP-Diliman College of Media and Communication.

Si Vice Ganda ay naging Guest speaker ng kanilang recognition day ng naturang kolehiyo. Alam natin, na isa siyang magaling na artista at very vocal sa societal issues. Pero di lingid sa kaalaman ng lahat ay minsan rin siyang nag-promote ng online sugal.

Kaya ang tanong, nagkaroon ba kayo ng critical thinking sa mga speeches niya? Naisip nyo rin bang parang sampal din sa kaniya yung kaniyang pinagsasabi dahil nagpopromote siya ng isang sugal na nagiging dahilan para sumira ang buhay ng bawat komunidad—lalo ang mga mahihirap na umaasa ng "instant" yaman.

Sana may sumagot sa akin, mula sa mga Iskolar ng Bayan na nakarinig ng kaniyang speech. Thanks!

reddit.com
u/WhatIfSuntukinKita — 1 month ago

May nakasalamuha ako na kalook-alike ni Kween Macoy Dubs

DISCLAIMER: hindi ko napicturan, dahil una, umaga yun, pangalawa, bawal syempre (data privacy tayo, sunod sa rules), pangatlo, nagmamadali ako dahil may job fair (bawal ang late! hayst buhay ng unemployed. Claiming makatrabaho tzodayyyy).

So yun nga, kakababa ko lang sa P2P bus sa Trinoma dahil papunta akong SM Megamall dahil nandoon situated yung Job Fair kinesu. Then, habang binabaybay ko ang kalsada papuntang MRT North Ave. May nakita akong na kamukhang kamukha ng nag-iisang "Yung Isa" Macoy Dubs. Pagtingin ko, kamukha mukha talaga, basta yun ang pwede kong i-describe. Napachuahua (idk kung tama toh) smile na lang ako.

Kahit papaano, naibsan kaba ko hahahaha.

Ayun lang naman, Happy Tuesday sa inyo, mga Ka-DDS Nation.

reddit.com
u/WhatIfSuntukinKita — 2 months ago