u/WittyBird7153

▲ 7 r/LawPH

Pwede pa ba magfile ng kaso?

Need advice po sana. Nasuntok yung tatay ko sa isang videoke/party noong May 15.

Yung tatay ko po ang nag-aayos/operator ng sound system, libre lang dahil amin yung sounds. Habang kumakanta yung isang tao, napikon daw siya kasi may pinipindot daw yung tatay ko, tapos bigla na lang niyang sinuntok si Papa.

Nagkagulo na, tapos yung uncle ko nagalit din kasi nasaktan yung kapatid niya. Pero sa video, kita naman na inaawat siya ng tatay ko at napigilan siya. Inuwi na rin yung uncle ko after nun.

Naiwan yung tatay ko para magligpit ng sound system. Habang nagliligpit siya, nagkagulo ulit at sinapak ulit siya ng mga pamangkin ng nanungom. May witnesses kami dito. Nandoon din daw yung isang kagawad na part ng Peace and Order, pero wala raw ginawa or hindi man lang umawat.

Noong May 20, nagharap-harap sa barangay. Yung unang nanuntok umattend, pero yung mga anak na nanuntok ulit hindi umattend. Sabi nila wag na raw idamay. Wala ring nag-sorry.

After nun, nag-message yung nagpa party, kamag anak ng nanuntok sa tatay ko na wag na raw magkaso kasi baka mabaliktad yung uncle ko dahil sa biro niya before the party walang intention tong biro ang sinabi lang niya kung sinong manggugulo siya ang magbabayad. Wala pang gulo na nangyayari dito. (dating na convict ang uncle ko, nakalaya na)

Question:

Pwede pa rin ba kami mag-file ng complaint kahit na-stress at na-pressure yung tatay ko na wag ituloy sa barangay? Ano po best next step dito?

Gusto din namin kasuhan yung kagawad sa dilg - napag alaman namin na kapatid to ng nanuntok, wala siyang ginawa nung nagkakagulo na. Nanood lang siya naturingan na peace and order pa.

reddit.com
u/WittyBird7153 — 23 hours ago