I am living with the thief 🥷🏠
Problem/Goal:
Super frustrating to feel that you have to secure your things inside your own house. Even going to the bathroom, need mo i-lock kwarto mo kasi baka masalisihan ka.
Just 2 days ago, nakuha lahat ng pera ko sa wallet. In my bag, na nakalagay sa living room, inside our house. Around ₱2k tapos iniwan pa yung 4 peso coin. 🤣
How to deal with this?
Context: he’s my uncle. Kapatid ng mom ko. Iniwan ng pamilya nya kaya ending samin bagsak dahil wala syang anything. 4 nalang kami sa bahay.
42 YEARS OLD. Ayaw mag trabaho. Umaasa parin sa magulang, which is yung lola kong senior citizen na. Hingi nang hingi ng pera at ginagamit pa sa lahat ng masamang bisyo. Drugs. Sugal. PLUS nagnanakaw at scam. Hindi lang sa sariling pamilya, pati sa ibang tao. More than ₱100k+ or more na ata LOL
In summary = PABIGAT, WALANG KWENTA AT SALOT NG LIPUNAN
Pero kahit ganyan sya, lagi parin binibigyan ng pera dahil katwiran ng lola ay “anak” sya 💀
Bata palang ako, problema na sya. Ngayon na meron na akong trabaho at lahat, isa na rin ako sa nabibiktima. Punong puno na ako. Hindi naman ako maka-alis pa dito. Magtitiis nalang ba ako.