Di ko alam kung ano ba tong pinasok ko...
Problem/Goal: Our almost 6 year relationship ended because of cheating. But he said, alam niyang nagawa niya yon dahil di niya na ko mahal at matagal na siyang nagdetach.
Context: I am not the perfect girlfriend. I admit it, I made him my world. Tipong wala na kong ibang hobbies aside sa studies except lumabas, tumambay kasama siya. Samantalang siya, may life talaga siya outside our relationship.
24 na kami pareho. Alam kong may ugali ako na kapag nagagalit, di ko macontrol. Namumura, naiinsulto ko siya. Siya etong avoidant, lalayo o mananahimik lang.
Not until umamin siya na he cheated. Nakipagkiss sa iba. Di ako makapaniwala. Sa isip ko baka leeway niya lang para lumayo nako.
Alam ko sa sarili kong ayaw ko na magkabalikan kami ngayon, pero di ko isinasarado yung possibility in the future kaso nanotice ko parang gusto ko pa rin ayusin. And siya nagrereply naman, but may times na wala dahil nga sabi niya ayaw niya umasa ako because takot na nga siya bumalik dahil nakatatak na sakanya yung mga ginawa ko.
Previous Attempts: ayun kinakausap ko casually kaso minsan di ko maiwasan na magdouble text pa din. And I feel like nasasakal ulit siya.