u/archiumdmain_6120

ABYG na sumama ‘yung loob ng friend ko dahil hindi ko hinugasan ‘yung pinagkainan niya?

Hi. Skl. Hindi naman ‘to mabigat na kwento.

Me (28F) and my workmates (28M, 24F, and 24F) na naging friends ko na rin were having a dinner. Magkakasama kaming girls sa staff house, ‘yung guy ay separated pero we invited him at our place for dinner. My guy friend (28M) and a girl friend (24F) cooked dinner while me and the other girl friend (24F) did nothing. We just waited for the food to be ready.

So nung okay na ‘yung food, kumain na kami pero hindi pa muna sumabay ‘yung isa. Ang kasabay ko ay ‘yung dalawang nagluto. After namin kumain, nagpahinga na ‘yung dalawang nagluto and ako na nagligpit ng mga pinagkainan. Ako na rin naghugas kasi sila nga ang nagluto. Habang naghuhugas ako (nakatalikod ako sa dining table), eh kumain na ‘yung isa na hindi sumabay kumain sa’min.

Marami akong hinugasan kaya focused ako that time, at hindi ko alam ang situation nila habang naghuhugas ako. After ko maghugas, pupunasan ko na ‘yung lamesa. I saw her plates na andun sa lamesa, hindi nakaligpit so hindi ko sure kung tapos na ba siya kumain o hindi. Hindi niya rin naman ako sinabihan na pasabay nung plate niya which is perfectly okay kung ia-ask niya ako, maliit na bagay lang naman ‘yon. So andun pa ‘yung mga sandok sa ulam at kanin so hindi ko talaga sure kung kakain pa ba siya kasi baka umalis lang siya saglit. Hindi kasi nakaligpit kaya hindi ko rin talaga alam.

Kaya nagpahinga na rin ako after ko maghugas.

After about a week, sinabi sa’kin nung other friends ko na nagsabi daw si ate girl na sumama loob niya sa’kin for not washing her plates. Ang sagot ko na lang sa nagkwento eh sorry kasi I didn’t know. Hehehehe. Ewan. ABYG?????

reddit.com
u/archiumdmain_6120 — 4 days ago