27, living in Dubai, pero parang hindi ko pa rin alam ginagawa ko sa buhay
27 na ako, currently living and working in Dubai. On paper, parang okay naman — may trabaho, kumikita, nakakapag-ipon kahit papaano, nakakabili ng mga gusto ko, and I can help my family back home.
Pero minsan napapaisip ako, “Okay… ano na next?” 😭
Parang habang tumatanda ako, mas lalo kong narerealize na ang adulting pala hindi tungkol sa pagkakaroon ng life plan. More like, every few months may bagong problema kang kailangang i-figure out. 😂
Bills, savings, career, family, future plans, health, relationships, visa, travel… tapos bigla mong maiisip na 27 ka na pala at ikaw na talaga ang responsible adult.
Living abroad makes it even more complicated. Mas mataas yung income compared sa Philippines, pero mas mataas din yung expenses and responsibilities. Minsan feeling ko ang layo ko na sa teenage self ko na ang iniisip lang ay kung saan gagala sa weekend. 😂
May mga moments din na naiinggit ako sa mga ka-age ko na parang settled na — may sariling bahay, business, married, may kids, or may clear career path.
Meanwhile ako: “Lord, okay lang ba kung gusto ko muna matulog?” 😭
For those who are around 25–30, especially yung mga nagtatrabaho abroad — normal lang ba na feeling lost pa rin at this age?
Kayo, ano yung biggest “adulting realization” niyo around 27?