Kapitbahay problem
It's 4am rn and... Arghh di ko na kaya!!! Gusto ko na sugurin yung kapitbahay namin >: so ito na nga, may kapitbahay akong nagtitinda ng almusal like pansit, carbonara, spaghetti, rice meals, etc. and every 3:30 am nagsstart siya magluto. Nakakainis lang kasi sobrang bango ng foods na nakakatakam kaya yung antok namin ay nagiging gutom!!! 🫠 Ayos naman sana eh kasi mura rin sila magtinda kaso 6 pa siya nagsstart maglatag sa spot niya sa kanto so tulog na kami nun tapos pagdating ng mga 7-8am ubos na yung paninda niya 😭 Before the summer break, nakakabili pa kami sa kanila ng breakfast or pambaon since mga 6 alis ng tao sa bahay pero these days di na kami makabili kasi lahat nagpupuyat kaya walang maaga nagigising. Gusto ko sugurin sila sa bahay nila para makabili ng mas maaga kaso... Last time na ginawa namin yun is medyo napahiya kami kasi di pa pala luto yung food kahit umaalingasaw na yung amoy. Yun lang, thanks (natatakam nanaman ako sa amoy ng carbonara nila)