u/bearbei0002

Akala namin pag bumukod na kami, tapos na problema. Hindi pala.

Pa-rant lang kasi sobrang bigat na talaga.

May shingles ako (bulutong) na hanggang ngayon di pa gumagaling. Kailangan ko magpa-check up at bumili ng gamot pero hirap na hirap kami pagkasyahin budget namin ngayon. Yung anak ko nga di pa namin mabilhan ng complete school supplies lapis, papel, pambura, etc. Yung notebook lang okay na. Tapos may pending bills pa kami sa kuryente, internet, at renta.

Kagabi naman nasugod sa ER yung MIL ko kasi muntik na ma-stroke dahil sobrang taas ng BP. May sari-sari store sila, tapos yung FIL ko barangay tanod. May bunso pang kapatid ng asawa ko na pinag-aaral nila.

Ang lagi naming naririnig sa MIL ko, “wala silang pera” o “kinakapos sila.” Ang masakit, hindi nila alam na kami rin mismo halos lumulubog na financially, lalo ngayon. Sinasabi nila matumal daw mamasada FIL ko at mahal gasolina kaya kulang kita. Nasa both 40s pa lang sila pero parang sa asawa ko na nakaasa emotionally at financially.

Nag sabi na kami na wala talaga kaming maibibigay ngayon. Pero parang may halong guilt trip at pagbabanta pa sa asawa ko na baka siya raw masisi kapag may masamang nangyari ulit. Dun ako nainis. Bakit parang sa anak nila pinapasa responsibilidad? Bakit hindi nila punahin FIL ko kung bakit parang hindi enough yung effort bilang provider? Labas na kami dapat dun kasi may sarili na kaming pamilya at problema.

Ang mas masakit pa, nung nakikitira pa kami sa kanila, sobra kaming nilait at binungangaan. Tinawag pa kaming “palamunin” at “pabigat” kahit kami naman mag-asawa halos sumasalo ng bills noon. Hindi nga alam ni FIL ko na umuutang samin MIL ko dati para may puhunan yung tindahan niya.

At alam niyo yung mas lalong nakakapanibago para sakin? NEVER ko na-experience to sa side ng family ko. Lagi sinasabi ng parents ko sa relatives namin lalo na pag may gatherings:

“Okay lang kahit hindi magbigay o mag-obliga. May sarili na siyang pamilya. Dun siya dapat naka-focus, sa pamilya niya. Piliin niya lagi pamilya niya.”

Kaya sobrang naninibago ako sa gantong setup na parang obligado lagi kami sumalo kahit kami mismo ubos na ubos na rin.

Nung finally nakabukod kami, akala namin magkaka-peace of mind na. Yun pala dala-dala pa rin namin problema nila hanggang ngayon.

Ngayon lang talaga namin narealize na baka hindi naman pala kami yung problema all this time. Parang gusto lang nila lagi may sasalo sa kanila kahit kami mismo hirap na hirap na rin.

reddit.com
u/bearbei0002 — 1 day ago