u/bndctvrgz

The Greatest Isabuhay Run we could've had
▲ 181 r/FlipTop

The Greatest Isabuhay Run we could've had

Abra's Isabuhay run nung 2018 ay napaka laking what if ko sa FlipTop, mas nanghihinayang pa ko rito kaysa sa BLKD vs Batas nung 2015.

Naalala ko kasi binanggit ni Loonie sa isang BID episode na pinarinig daw sa kanya ni Abra baon niya kay Pistol at nasabi niyang panalo sana si Abra non kung na-spit niya lahat ng handa niya.

Iniisip ko ano kaya kinalabasan ng finals nila ni Shehyee. Masasama kaya yun sa top 3? At ano kaya magiging response niya sa ipamimigay lang ni Shehyee yung premyo since parehas naman silang mayaman pareho.

For me, this could have topped yung bracket of death run ni Sixth Threat nung Isabuhay 2019.

Poison 13 sa elimination round

Invictus sa quarter finals

Pistolero sa semi-finals

At Shehyee sa finals ng tournament

Insane run if you would ask me

u/bndctvrgz — 2 days ago
▲ 36 r/FlipTop

Alas Kwatro Members in Isabuhay

Ang grupong alas kwatro ay binubuo nina GL, Pen Pluma, Yuniko, at Zend Luke.

At simula ng pagpasok nila sa liga nung 2019, may mga lumahok na isa o dalawa sa miyembro nila kada taon.

Isabuhay 2020 - GL, Yuniko

Isabuhay 2021 - Zend Luke

Isabuhay 2022 - Pen Pluma

Isabuhay 2024 - GL

Isabuhay 2025 - Zend Luke

Isabuhay 2026 - Yuniko

Kaya siguro wala silang entry nung 2023 kasi nagkaaberya agad yung ikot nila mula nung Isabuhay 2020 dahil dalawa sa grupo nila yung kasali sa tournament.

Nagsasalit-salitan yung mga miyembro kada taon kung sino sasalang sa tournament. Gaya nung ginawa ng Artifice.

Isabuhay 2016 - Loonie

Isabuhay 2017 - Apekz

Isabuhay 2018 - Abra

Isabuhay 2019 - Apekz

Isabuhay 2020 - no entry *Abra sana base sa ikot

Isabuhay 2021 - Apekz

At kung susundin naman ang ikot ng Alas Kwatro, ang sasalang sa Isabuhay 2027 ay si Pen Pluma.

May plano kayang sumali si GL sa Isabuhay 2028 para matuloy ang ikot?

That would be crazy at excited ako sa mga susunod pang taon.

u/bndctvrgz — 12 days ago
▲ 296 r/DotA2

New Hero Concept

The idea suddenly just popped up then instantly thought of posting this.

I imagined a hero that is a Peacock. I'd like to identify it as a woman (since mostly of recent heroes are male). She reminded me of Lord Shen from Kung Fu Panda 2.

She uses fans as her main weapon. Her base form is a Peacock that has its tail closed.

Her ult is she opens her tail and instantly fears opponents that stare at her (I searched about why Peacocks open their tail and learned that they're doing it to attract mates and to scare threats). In her ult form, I thought of her having different basic skills than her base form.

I haven't thought about her basic skills yet and an alternative for her ult having different basic skills because of the fear of making it op.

Any suggestions or thoughts about this?

PS. I imagine her as a carry hero btw

u/bndctvrgz — 18 days ago
▲ 113 r/FlipTop

FlipTop 2024 versus FlipTop 2025?

Sa tinagal-tagal ko nang nanonood ng FlipTop, taong 2024 hanggang ngayon lang ako naging active (yung tipong every upload ng event pinapanood ko) ulit after tumigil manood nung pandemic. At hindi ako mapakali kakaisip kung saang taon ako nakaramdam ng napakamaraming goosebumps.

I-recall natin yung mga highlights sa FlipTop nung mga taong to

FlipTop 2024:

The Rise of Vitrum

Isabuhay EJ Power

Conceptual writing GL all 4 rounds of Isabuhay

SlockOne vs Ruffian

Baras sa lalamunan

Alter Egos

Tapik sa dibdib ni Sur kay GL

"Tanginang legacy yan"

Naging good boy si Romano kay EJ

Tipsy D comeback

"B r r r brrr makina ng chainsaw"

M Zhayt callout kay Tipsy

Kuryente ni Sasuke dumaloy sa current (insane callout)

Paldogs incident

Kabaong ni Lil John sinummon para ihambalos kay SlockOne

GL vs EJ Power

"Kung ang usapan ay pagiging greatest of all time"

"Patay ang current every round parang rotating brownout"

"Uuwi to'ng Coloradong wala nang kulay"

"Wala yang greatest of all time kasi ako ay timeless"

Sinio comeback

"Ang 3GS ikaw naman ang pinatutumba"

Nagpatumba si Shernan sa stage para sa malupit na rebut

"Apo ng apo ng apo ni David nagpapatalsik ng mga higante"

3 way battle: Tipsy D, M Zhayt, Frooz

"O diba ganon pa rin wala namang nagbago"

Scream ni Towpher sa DPD

EJ Power dark mode

EJ Power rineveal location ni Shehyee

Tipsy D calls out Mhot

Absolute Cinema Isabuhay Finals: Atheist vs God

GL di lumalabas ng bahay

Hindi pa nagsasando si GL

"Wala kaming respeto sa mga rapper na walang kalye sa katawan"

FlipTop 2025:

Ruffian vs JDee

"Alang-alang sa pangalan..."

Isabuhay CripLi

Isabuhay Jonas

"Anong Empithri baka PM3 chicken ka lang sakin"

"Ito'y bagong disenyo ng Lanzeta ika'y malinis trinabaho"

The Comeback of Freestyle

Controversial Battles

Sinagtala appearance

"Plastic sa labas at di yan solid sa loob"

Round 1 ice, round 2 tubig, round 3 steam na lang

Steam Dota 2 callback

Blazing Ruffian

Ruffian calls out GL

Nakipag-kamayan kay Plaridhel sabay sabing "Alam mong mananalo ako base sa kalyo nga kamay ko"

Vitrum vs J-Blaque

Bisaya vs Tagalog

Vitrum calls out Apekz at Sixth Threat

CripLi vs Ban

"Hawak sa ulo, hawak sa baba, ohh ohh ahh ahh"

"Reverse ko lang ayusin ko, ngayong manok naman ng Bicol ang siyang bababuyin ko"

Keelan, Empithri judging

Saint Ice bagyo incident

GL 2 battles 1 night

JBL aque

Halimaw na Katana vs Saint Ice

Humpty Dumpty

"Manalo o... no ito'y win-win situation"

GL pahaging kay Vitrum, Loonie, Batas

GL round 4

"Walang tapik sa dibdib kasi nga butas na"

Ang pagdarating ni Zoro

May space sa poster ng Zoning na nagkaroon ng maraming theories

Deadpan vs Mia Sonin

Royal Rumble GL

Tipsy D vs Mhot

"Hinanapan muna ako ng butas bago lumabas sa lungga"

"Kung sa PSP ako nasira, sa FlipTop ko aayusin"

"Sa battle ka lang may chainsaw, ako sa gig lumalagari"

Mhot calls out Loonie

GL standee

CripLi vs Zaki

CripLi calls out Katana

"Baka pag-untugin ko lang kayo ng lolo ng lolo ng lolo mo"

EJ Power vs Vitrum; Sundalo vs Aktibista

GL vs Poison 13

Poison 13 calls out Loonie, Batas, Apekz, Mhot

Palpak pagiging time traveller ni GL

Mokujin vs Zeus; kahoy vs current

"Sa sobrang init ko ngayon mapipilitan kang magsando"

"Kahit nahulog yung kutsara tol wala nang darating"

Ambulansya callback

Cleopatra

Para sa inyo, aling taon ng FlipTop ang mas tumatak at mas nagpatindig ng mga balahibo niyo? 2024 o 2025?

u/bndctvrgz — 19 days ago
▲ 157 r/FlipTop

FlipTop Battle League - Same Rhyme Scheme

Dahil may nagpost ng clip na may same rhyme scheme at punchline si CripLi at Kris Delano, bigla kong naalala yung naspottan kong rhyme scheme na sobrang familiar nung 2024. Ngayon ko lang naisip na i-screen record at i-upload kasi ayoko mamirata T-T

Naalala ko lang nung una kong narinig to sa upload akala ko na déjà vu ako. Yun pala nagamit na siya sa recent event bago naganap yung laban na to.

Kung kay CripLi at Kris Delano may 2 parehong rhyme lang; kinder at tinder, kahina-hinala na. Paano pa kaya yung buong rhyme scheme ng 4-bar setup; hukay, sungay, buhay, kulay?

u/bndctvrgz — 30 days ago

Fliptop Battle League - Plazma Judging

Parte si Plazma ng mga judges sa mga battles na may split decision judging na mostly controversial. (Ito lang ang battles na naaalala kong may split decision tapos nakitang judge dito si Plazma)

Sinio vs Flict-G (2015)

GL vs Lhipkram (2023)

GL vs Vitrum (2024)

Jabo vs Boy Sleuth (2026)

Jabo vs Si7ick (2026)

Jonas vs Saint Ice (2025)

Zaki vs Saint Ice (2025)

Shernan/M-Zhayt vs Flict-G/Damsa (2017)

Lhipkram vs Aubrey (2025)

Lhipkram vs Katana (2025)

Frooz vs CripLi (2024)

EJ Power vs Vitrum (2025)

Kita naman dito na mostly high stakes battle o tournament halos yung mga split decision yung judging na involved siya. Evident din na may factor yung standard ng judging niya rito.

Kilala itong si Plazma na mas mahilig sa technicals kaysa sa jokes. Ngunit may iilang pagkakataon na medyo malabo yung pagjudge niya sa battle.

Paiba-iba ang standards niya sa judging kada battle, hindi siya consistent. Sa ibang laban, pangengengkoy ang gusto niya. Sa iba, lirisismo ang hanap. Sa iba, tinitignan niya kung effective ba yung emcee sa crowd. Sa iba, hindi siya bumabase sa crowd. Sa iba, kahit effective masyado yung emcee pipiliin niya pa rin yung "preference" niya. At sa iba na na-ooverlook yung performance ng isang emcee dahil hindi ito kasing lakas ng last performance niya.

At litaw ito sa laban ni Jabo at Boy Sleuth sa Langit Lupa Tournament na kung saan mas effective si Boy Sleuth sa masa at mas marami ang moments nito laban kay Jabo, mas nangibabaw para sa kanya ang "lirisismo" ni Jabo ayon kay Plazma.

At kita rin ang pagiging inconsistent nito as a judge sa laban ni Invictus at Katana nung Second Sight. Na kung saan naibigay ni Plazma ang boto niya sa round 1 kay Katana na siyang nagpakita ng jokes at nakita niyang effective daw, samantalang yung sinusulong niyang lirisismo at preference niyang technicals ay naipakita ni Invictus.

Hindi siya kagaya ni Batas na kahit flawed yung judging na punchline count ay nagagawa pa rin nitong maging consistent sa kanyang standard.

Napaka critical ng judging niya sa mga labang ito dahil nga mostly sa tournament siya nagjajudge. Kaya napakalaking factor ng pagiging inconsistent niya as a judge, na paiba-iba siya ng criteria at standards sa takbo ng tournament. Ang powerful din ng boto niya kung iisipin kasi kung naging consistent siya, mag-iiba ang naratibo nitong mga emcees at tournaments.

Kayo, ano sa tingin niyo?

u/bndctvrgz — 2 months ago
▲ 57 r/FlipTop

Fliptop Battle League - Unknown Jargon

Katatapos ko lang manood ng Shehyee vs Fukuda. Ano kaya meaning ng "K" sa larangan ng battle rap? Sa tagal ko nang nanonood sa liga, hanggang ngayon hindi ko pa rin gets kung ano yung meaning ng "K" sa larangan ng battle rap. Eto lang yung mga bars na narinig ko tungkol sa "K" na wordplay.

​

"Slim Shehyee mastered martials art kung san kulang sa 'K' tong si Keiko kaya K.O. si Fukuda"

-Shehyee

​

"Kala ko ba batang may 'K', batak lang pala"

-BLKD

​

Tingin niyo ano kaya meaning "K" sa battle rap?

u/bndctvrgz — 2 months ago