u/bubuyog665

Ang hirap maghanap ng work ngayon

Ako (23f) lang ba nahihirapang maghanap ng trabaho ngayon? May total of 3 years work experience na ko sa BPO as chat and email support. sa 2nd company ko dun ako mas tumagal, mga 2 years and 3 months din. Logistics yung tinapos kong course and this year balak ko na sana mag change career Gusto ko sanang magexplore sa industry na related sa course ko. Naka ilang companies na ko na inapplyan sa Indeed, Jobstreet, LinkedIn. halos 100+ na nga yata eh, pero ang hirap. Nakasecure naman ako ng isang JO kaso nga lang 19.5k offer sakin. Then sa isang company naman nagwalk in ako, 20k offer (13 mins away sa bahay naman yung loc, hmo and leave after 1 year, bonuses and management prerogative). Para sakin kasi ang mamahal na ng gastusin ngayon tas kukuha pa ko ng work na halos kapantayan ng sahod ko sa BPO nung nagsisimula pa ko. Gusto ko sanang ipurse yung logistics kaso ang hirap makasecure ng offer na ineexpect ko. Masyado na bang malaki yung 25k? Gulong gulo na utak ko, gusto ko nalamg rin mag abroad ano baaaaaa.

reddit.com
u/bubuyog665 — 2 days ago