u/carrot_claire14

▲ 38 r/peyups

[UPD] May sakit po ata yung cat sa may dilimall

napansin ko lang po kanina ung chubby cat sa may dilimall (tapat shakey's, gray and white) tumutulo ung laway and sipon nya tapos nanghihina rin sya :( parang pumayat din siya since the last time na nakita ko siya huhu concerned lang po san po kaya siya pwede dalhin?

reddit.com
u/carrot_claire14 — 1 day ago
▲ 26 r/peyups

[UPD] should i shift from bs app phy to another course?

hello! im currently 2nd year na sana sa bs applied physics. umpisa pa lang ng first year ko non i was already struggling. malayo sa satisfactory mga scores ko. although wala naman ako nabagsak, marami rin akong mababa grades.

i have always loved physics. nareignite ung passion ko for astronomy nung lockdown era, kaya napamahal na rin ako sa physics and math. kaso i reached my breaking point nung second year, first sem. nag-LOA ako kasi alam kong pag hindi ako magloloa, ibabagsak ko halos lahat ng subjects ko.

hindi talaga gumagana utak ko non. parang may fog sa utak ko for some reason huhu. nung nag-loa ako, sobrang gaan sa loob. para akong nakalaya. and sabi ko non sa sarili ko kapasok ng new semester, magsshift na ako. i was decided na hindi na ako babalik sa NIP. tinanggap ko na ung reality na baka hindi talaga para sa akin ang physics. so puro GE lang kinuha ko last sem.

however, during the midterm season, i suddenly had the urge to go back sa physics. akala ko non kabag lang HAHA. but the feeling was growing stronger everyday. sabi ko non magsshift ako to bs geog since very interdisciplinary yung atake ng deg prog na yon, much like my "talino" if meron man ako non lol. but the longer i stayed sa AS, the more i felt like i was just a visitor and eventually babalik din ako sa NIP.

ilang beses na rin ako nagpray kay Lord, and there was this one time na very clear ang sign na binigay nya na magphysics pa rin ako. I even heard stories from friends, orgmates, even from a prof na nag-LOA sila and they came back stronger.

ayun lang T_______T mahirap lang iconvince si mama ko since witness sya ng breakdowns ko nung first sem. gets ko naman sya kasi ayaw na nya ako mahirapan ulit. worried din sya sa DOST scholarship ko since yun lang ang source of money ko for my expenses sa food, dorm payment, etc.

haha thank u for reading if umabot ka sa dulo ❤️ i js had to let it all out ig. hope u are all doing great

reddit.com
u/carrot_claire14 — 2 months ago