Paano mawala ang breastmilk?
Paano ba mawala ang breastmilk mga mi? 9 mos na LO ko, pure bf siya, and dami naming ganap the next few months kaya tinatry na namin siya i-wean today. Kaso sumasakit na agad juging ko kaya naghahand express ako para mabawasan konti.
Pero gaano kaya katagal bago mawala fully yung milk? At paano ba marelieve yung pain? Huhu medyo may hard lump sa right boobie ko kahit dati pa pag medyo matagal di nakabf si LO. Planning ako magswitch ng pills from Daphne to another pill midway para medyo ma-lessen din milk production ko. Help mga mi 🥲 Thank you!
PS. nakaubos na siya ng 4oz sa bote kanina so plan ko sana ituloy tuloy na para di na niya mamiss yung lasa ng breastmilk ko