u/cloudypopsicle

Paborito

I was talking to my younger sister sa video call and gamit ko phone ni papa kasi nagchacharge yung phone ko. Pinaalam ko naman na tatawagan ko si sis using his phone and sya pa nga nagcall sa kanya .

While nag uusap kami ni sis may pinapatingin sya na picture na sinend daw nya sa papa namin and sa paghahanap ko sa picture na yun nabasa ko yung sinend nya na video kay sis.

Video yun about how a parent praise their daughter, medyo mahaba yung poem but yung ibang nakalagay "You are my daughter, my most precious treasure."

I love my sister, I really do and I don't take this against her more on my father.Masakit sa part ko kasi paano naman ako? Porket ba panganay ko? Hindi din ba ako daughter? Hindi din ba ako most precious treasure? Sana sinend na lang nya sa gc namin para mafeel ko din na valued ako, hindi yung sa kanya nya lang sinend.

Alam ko naman na hindi ako paborito since then, actually feeling ko nga walang may paborito sakin to the point na kahit siguro umalis ako they will cry but never miss me that much . For context, my father was a OFW before and may time noon na hindi ko sya kinausap for months because of his pambababae abroad.

I was 16 yrs old when my mom talked to be and told me about it and sinabi nya sakin na kausapin ko si papa na tumigil na sa pambababae because hindi sya nakikinig sa mama ko. I did not for my sake but for my sister, akala siguro nila kaya ko kasi panganay ako but no , nasaktan ako ng sobra .

Why did I have to fix the family? Bakit kailangan ako? Bata pa ako noon . Hindi din nya ginawa ,pinagpatuloy pa din nya pambababae nya, hindi naman sya mahiwalayan ni mama kasi nag aaral pa ako ng college and sya lang yung may kakayahan na magsupport pag aaral ko since sa private ako nagenroll. So ,nagalit ako sa kanya and that made me stop communicating him for months and hindi din naman sya nag reach out .

Close kami ng tatay ko but since that happen naging malayo na yung loob ko sa kanya. Pag nagbabakasyon sya noon pag may mga gamit syang inuuwi at chocolates dapat makapili muna si bunso tapos yung mga ayaw nya sakin napupunta.Noong college na ako nag aral ako sa city namin 1 hour drive sa bahay, and si bunso high school pag naka vacation si papa minsan nya lang ako masundo and hindi nya ako pinapauwi kusa lang akong umuuwi.

Noong si bunso nagcollege sa city din pero different school pag nakavacation sya araw araw nya pinapauwi and sinusundo. Saka lang ako naging maganda sa paningin nya noong nagwork na ako and ako na nagpaaaral sa kapatid ko kasi may binabayaran syang lupa noon , okay lang sakin kasi kapatid ko naman yun pero noong nakatapos na kapatid ko wala na ulit haha.

Ang akin lang, kailangan bang ipangalandakan pa? Okay hindi mo ako paborito pero sana wag mo na lang ipahalata . Minsan napapatanong na lang ako kung anak ba talaga ako? Btw 27 years old na ako and hanggang ngayon ramdam at kita ko pa din yung difference. Hirap maging hindi paborito haha.

reddit.com
u/cloudypopsicle — 1 day ago