Masaya kaso hindi pasok sa financial goals
Masaya ung mga kateam (hindi toxic) okay ung manager pero kulang sahod for my financial goals.
After a year with my client, nag request ako ng increase but they want me wait for another 1 year, pero nag counter ako ng performance review after 6 months instead. Now, I talked to my manager and dahil sa role restructuring at iba pang hindi inaasahan, na segway kaya until now (7th month) wala pa balita. Update naman from my manager is naipasa na niya ung bola.
Nag apply na din ako casual lang and gusto ko din makalipat doon sa mga inapplyan ko dahil significant ung increase. Sabihin na natin na inuunahan ko ung sarili ko, pero nalulungkot na ako agad na isipin na magreresign ako ng dahil sa sahod.
Kung kayo ba nasa situation ko, ileverage niyo ba ung masaya ka sa work mo dahil sa environment vs sa sahod? Pamilyado na ako and hindi na din bata para maging choosy. Parang tanga ung pakiramdam ko kapag pinili ko mag stay. Tanga pero masaya. If aalis ako, another pakikiasama na naman and kailangan ko na bunuin ung regular status sa company.
Previous attempts nag try mag business at mag part time pero dagdag pagod lang so far. Humahanap pa din ng extra income atm.