OA lang ba ako kung na-off ako sa SIL ko?
Dito nakatira sa bahay namin ang pamilya ng kuya ko, almost one year na din. Mabait naman SIL ko at hindi din madamot. Kapag may extra syang pera o kahit enough lang ang budget niya, madalas nya kaming ilibre. Madali din syang malapitan kapag may kailangan at kaya nyang tumulong.
Ngayon, may work na siya. Nakwento sa amin ni mama na nag-away daw si kuya at SIL ko dahil sinabi ng SIL ko na hindi naman daw niya kami obligasyon, kaya bakit parang expected na mag-aabot siya sa bahay. Hindi naman daw siya madamot, pero ayaw niyang gawing obligasyon ang pagbibigay.
Ang mas tumatak sa akin, sinabi din daw niya na bakit okay lang na hindi ako magshare sa bahay, tapos siya ang parang ine-expect na magbigay. Eh sa isip ko, siya naman ang nakikitira sa bahay namin, kaya parang natural lang na mag contribute siya sa gastusin kung kaya niya.
Simula nang malaman ko yun, feeling ko tuloy may sama siya ng loob sa akin.
OA lang ba ako na mainis? Sa isip ko kasi kung ayaw pala niyang magshare sa bahay, bakit hindi na lang siya bumukod?