
MTC/RTC Sto. Tomas
Pa-vent out lang kasi sobrang nakakabadtrip yung ibang employee ng MTC/RTC ng Sto. Tomas.
We were getting married this year and plan namin sana ay mag civil wedding muna. We've been planning for this since January and nakapag submit lang kami ng requirements for marriage license last week of June kasi. After namin magpasa ng requirements sa Civil Registry dumeretso kami ng MTC/RTC office since kabilang building lang to inquire sana for Civil wedding. Yung unang staff na kumausap sa amin okay naman, mabait. Hindi nya lang alam saan nakalagay yung list ng requirements for civil wedding kaya nag antay pa sya ng kasamahan nya. Noong dumating na yung kasamahan nya, inendorse kami ng maayos kaso itong si Ate mong bagong dating, pagkabigay nya ng listahan ng requirements, tinalikuran na agad kami kaya hindi ko na naitanong yung mga dapat kong itatanong like may raffle din ba nanl nangyayari para malaman anong court kami ikakasal or kung makukuha ba namin yung target date namin etc. Before that day kasi nagreresearch na talaga ako since Feb pa ata ng mga dapat malaman kapag civil wedding specifically dito sa Sto. Tomas kasi taga dito kami. Wala akong makita so nagiging basis ko yung mga experience ng ibang couples na nagshashare online paano ginawa nila. And yun sana mga gusto kong itanong since wala naman din kaming mapagtanungan at sila nagwowork doon kaso ayun nga tinalikuran kami.
So sabi ko, pagbalik na lang namin, pagkuha ng marriage license, isabay na pagpapasa ng requirements. Pagpunta namin kanina, pagpasok namin sa office, may empleyado na nakatayo, palabas siya, mag memeryenda ata kasi walang kung anong hawak bukod sa wallet, ang pangit ng bungad sa amin. Nakasimangot magtanong ng kung anong sadya namin. Kung di ba daw kami yung ikakasal kay Mayor. Tapos tinanong kami kailan target date namin, sagot nya, di pa daw sila nag aaccept ng for September kasi hanggang August pa lang daw yung schedule na meron sila. Bumalik daw kami ng August. Nagtanong ako kung paano yung interview, kasi noong nag inquire kami, may for interview kami na nakasabay. Pero nakasimangot syang sumagot na si Judge daw mag schedule. Okay naman sana, maiintindihan namin kaso bakit kailangan ganon makipag usap? Sobrang naabala ba namin pagmemeryenda nila? Tsaka bakit di sa amin sinabi or di kami tinanong noong unang punta namin eh di sana aware kami at di na namin sila naabala. Duneretso na lang sana kami sa RTC sa Tanauan. Nakakahiya naman sa kanila. Allergic ata sa tao outside their office.
Haaaayyy..Kung anong bait at accomodating ng mga tao sa Civil Registry ng Sto. Tomas, syang kabaligtaran ng nasa MTC. Buti na lang din ang bait ng nasa RTC Clerk office sa RTC sa Tanauan. Maayos kaming kinausap at inexplain yung process. Hindi din nakasimangot at condescending sumagot sa mga tanong namin. Kahit papaano, nabawasan badtrip namin kanina.
Kaya kung kayo'y taga Sto. Tomas at may plano kayong mag Civil Wedding at gaya namin, ayaw nyo din kay Mayor magpakasal, hindi ko kayo idi-discouraged pero kung wala kayong hinahabol na oras, a month before kayo pumunta at magpalista sa kanila. Kumpletuhin nyo din yung requirements na nasa photo. Pero kung wala