
US NURSES. Kamusta ang ipon?
Nag migrate kami ng asawa ko dito sa US (east coast) at mang ilang ilang taon na din kami dito. Nurse ang asawa ko, at ako may trabaho din. Masasabi kong average ang kita namin ng misis ko. ang rent namin umaabot ng $1800/month. may binabayaran kaming kotse na $500/month. Masasabi namin kaya namin ang lahat ng essential na gastusin at luho sa sweldo naming mag asawa. Ganun pa man, parang nakukulangan pa rin kami sa kita namin. Parang nagiisip kami na lumipat ng ibang state para sa mas mataas na sweldo para. Balak din naming bumili ng bahay kung san man kami lilipat. Pero bago namin magawa lahat ng yon, kailangan namin ng sapat na ipon.
Curious lang, para sa mga mag asawang nurse or parehong may maayos na trabaho dito sa US, kamusta/magkano ang ipon niyo after 3-5 years? afford niyo bang bumili/mag down para sa bahay sa ganong duration? Share niyo naman journey niyo or pahingi naman ako ng tips. Salamat!