u/drinkablesausage7

▲ 11 r/BPOinPH

How do I project this vibe na ayaw ko makipagdaldalan sa ibang members ng team namin para layuan ako completely?

Honestly kahit anong type ng conversation ayaw ko. 3+ years na ako sa industry and alam ko na either I suck it up and mag "fake it till you make it" na awrahan para di ako "talo" pero wala talaga siya sa sistema ko. Survival mode lagi datingan pag dating sa social skills ko.

First time ko malipat sa voice account so yung level ng pagka drain ko mas lumala like araw-araw. Sa three years na yon medyo naturuan ko na rin sarili ko (kahit papano) na mag form ng parang hard shell tapos i-try i mask yung naivety ko and pagiging soft when it comes to having unpleasant interactions. Pero madalas pa rin talaga tumatagos sa mukha ko yung pagod and kaba.

Sa mga tao dito sa sanay na rin mag solo lang lagi, pano niyo pinapaliwanag or pinaparating sa iba na di niyo feel makihalubilo most of the time?

Alam ko na downside non is medyo off putting magiging dating sa iba pero based on my experience, not that bad naman. May mga tao pa rin ako na i consider as comfort people ko na pwede makipag kulitan pero in a non draining way. Sorry kung ang hirap i explain.

Hindi ko pa rin ma balance yung line between "need ko ng moment sa sarili ko, i'm mentally exhausted lagi so please leave me alone" vs "chikahin niyo ako konti for the sake of pakikisama"

Feeling ko lagi akong nag a-acting pano maging "normal" na tao and I feel defeated lang na hindi pa rin ako ganon ka solid sa mga paninindigan ko. Wala na talaga ako energy na makisama sa kung kani-kanino especially sa mga taong annoying and nakaka lowbatt agad ng social battery para lang masabihan na "marunong makisama"

Ang sarap maging bitchesa minsan pero di ko pa afford yon and ayoko rin kasi lapitan ulit ng gulo. Pumapasok lang talaga ako para sa sweldo and nakakaurat na kailangan ko lagi i-condition utak ko na mag act a certain way para di pagtulungan ng mga malalakas trip sa buhay.

reddit.com
u/drinkablesausage7 — 1 day ago