u/electricfanwagon

Akala ko matalino na ko, until i came across a "Minute Cryptic" video 💀

Nung nagkaron ng Minute Cryptic sa feed ko, seryoso, nganga talaga. Wala akong masagot. Nakaka-frustrate na ewan, pero na-challenge ako kaya tinapos ko yung sunod-sunod na videos.
Then, plot twist: May nakuha akong isa.
“Eva and Ruth - runners up to Miss World.” (5)
Miss ay deletion indicator. Runners up ay second letters. EvA RuTH => remove second letters => EARTH! (which is another term for World)
Grabe, iba yung dopamine hit! Sobrang sarap sa feeling maka-solve. Doon pumasok yung shower thought ko - “What if Tagalog naman? Bakit walang ganito para sa mga Pinoy?”

Gumawa ako ng Tagalog cryptic clue, pinost ko sa IG, at nagpa-premyo ako sa unang nakahula. Solid ng response! Naisip namin ng tropa ko: What if gawin nating app?

Doon na medyo nag blow up lahat:
Gumawa muna kami ng web version. Hundreds agad nag-submit ng sarili nilang mga tagalog cryptic clues in just a week.
Naging parang mini-social media na siya- may feed, nakikita mo kung ilan ang nakasagot sa gawa mo, pwede mag-comment, at mag-rate ng clue ng iba.
Nag-live pa ako habang sabay-sabay kaming nagsasagot kasama ang community.

Sobrang amazing lang. Ang daming witty kids, working class, even mga nanay na nagsasagot, ang something in common lang sa kanila is parang puro mga academically inclined yung players/creators namin? Andami pa sa kanila na teachers pala! Pinapalaro daw sa mga estudyante...

So ayun, more grind kami, and lo and behold, certified app na kamee. Minute Bugtong (hourglass na may “?” ang logo) yung name ng app kasi medyo derived sa Minute Cryptic, pero tagalog dapat haha (di masyado pinag isipan). And tuloy tuloy lang yung users ng app, proud pa yung ibang students sabi ibinida sa school nila na ang hobby nila is writing cryptic clues sa app 🙂 Sobrang happy kame na nakakatulong kami kahit sobrang onti lang sa brain drain ng pinas..

Pero ayun nga, hehe, nagfofocus kami sa growth ngayon though medyo matumal, not sure if kami ba or what, araw araw nag llive, post sa fb/tiktok, etc, gumagastos sa ads.. Kahit sobrang limited ng resources namin, tinatry namin magrow pa lalo yung community (wag na lang tingnan yung server cost ahhahaha). Masaya kami sa ginagawa namin pero hindi din namin sure, bat parang ang bagal lang ng growth.. So kaya kami nagpost dito para lang din makahingi ng advice, bat yung kay I am Lans ambilis mag viral pero yung kay Kuya Kim mababa engagement hahaha, ewan. Ano ba pwede gawin, or baka may strat na need namin gawin? Haha wag na po sana magreco ng ads wala na kami pang ads hahah, pero siguro if iddownload nyo, mag rate sa app and palaro sa iba makakatulong din?

/rant over

reddit.com
u/electricfanwagon — 17 hours ago