First time ko for online work. Not sure kung i-continue ko yung 'task' niya
Nangyari lahat ito within the day lang. Nagising ako at nakatanggap ng message out of nowhere sa OLJ tinanong kaagad kung pwede ako mag full time sa kanya (EU company). Sabi ko oo pero titignan ko muna job description. After few hours nag-reply siya at gusto niya akong makausap sa GMeet. After niyan nag-email din na i-send ko raw portfolio ko.
Btw before ako mag-reply, nag-search muna ako kung sino yung taong yun. Wala akong makitang photo niya pero yung name niya is connected sa company name and active yung registration niya. Feel ko wala pa sa 10 employees ng company.
So ayun, sinend ko portfolio ko kahit na aware akong hindi ko talaga forte yung line of work nila lol. Like very rare kong gawin so hindi talaga ako 'hasa' doon kasi I believe it's the job of other professional, yung mas may alam. I can do it pero 'meh' haha.
Yung call very straightforward. Tell me about yourself, X/hr yung salary na kaya kong ibigay pero tataas pa as we go on, may task akong X and Y at isesend ko sa email. Then end na. I would say medyo natagalan akong gawin yung task mga more than 4hrs I think kasi (1) old na yung laptop ko at (2) 2yrs ko na hindi ginamit yung software na meron sa laptop ko. Ginawa ko pa rin yung makakaya ko. If you're wondering, wala ako sa OLJ for that kind of job or any job na related. Nag-apply lang ako sa jobs na alam kong kayang i-handle ng laptop ko kasi minsan may lumalabas 'flicker' kineme yung screen.
Sinend ko sa kanya after ko gawin. Hindi raw yun yung gusto ni client. Na-shock ako akala ko task lang yun to test my skill kung fit ba ako sa company niya pero for presentation pala. So need ko i-redo yung work kasi may specific requirements naman pala na hindi niya binanggit nung una. Haynako.
Knowing na ang bilis ng pangyayari, hindi ko sure kung itutuloy ko ba or hindi. Wala naman akong problema kung may task pero hindi kasi nasabi na for client pala at wala pa naman contract. Baka i-ghost ako after. How should I deal with this?