u/gth17

▲ 16 r/pldt

PLDT is a SCAM

Growing up, we had PLDT phone lines sa house ng parents ko. Wala naman problema until binaha kami noong Ondoy.

After the flood, hindi na kami nagkaroon ng maayos na connection sa PLDT namin, palaging intermittent kahit ilan beses na namin pinaayos. Ang sabi nalang ng tech team nila, sorry hindi na nila kayang ayusin. Ang advice ng PLDT office is terminate nalang, so nagpaterminate nalang kami ng line and transferred to Converge.

After ilan years, probably 4-5 years after, bigla nalang kami tinawagan ng collection agency na meron daw kaming outstanding balance na hindi namin binayaran kasi hindi daw nagpush through yung termination.

My dad contested it dahil siya mismo naglakad ng termination sa PLDT office Pedro Gil near us, pero nag-file pa rin sila ng kaso laban sa amin since ayaw nga bayaran ng father ko.

In the end, nagbayad nalang father ko for 4-5 years na bills kahit wala naman nang linya ng PLDT sa amin.

Same thing happened sa isang business namin sa Caloocan (PLDT Grace Park East). Nilakad namin ang termination, then after 2-3 years, tatawag collection agency para sabihin meron kaming outstanding balance na dapat i-settle kasi hindi daw na-push through ang termination.

Akala ko noon, coincidence lang, chamba lang, baka nga kami ang may pagkakamali.

It happened again a 3rd time noong nakabukod na ako at lumipat ako ng ibang condo. Yung PLDT line ko dun is ako mismo ang naglakad ng termination sa PLDT Office sa SM North Annex.

After 2 years I moved out, bigla na naman may tumawag sa aking collection agency saying meron na naman akong outstanding balance kasi hindi daw na-push through yung disconnection.

Same story. Same modus.

Eto na naman tayo for the 4th time.

Recently, a collection agency messaged me again saying meron na naman akong outstanding balance sa line na pinaterminate ko 2 years ago from an old business office.

Putang ina lang talaga. Sinigawan ko na yung agent na tumawag sakin, sabi ko sa kanya -

"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo???? Putang ina, ang number one requirement niyo sa mga customer niyo para makapag-apply ng request for termination is bayaran lahat ng outstanding balance. Paano ako nakapag-process ng termination at hindi na-bill sa loob ng dalawang taon kung hindi ako nakapagbayad ng balanse ko?!?!?! Pang-apat na beses na akong hinahabol ng PLDT dahil sa putanginang outstanding balance na hahabulin niyo after ilang years, na sino bang magtatago ng resibong pinagbayaran 2 3 years nang nakalipas?!?!?!"

Sorry lang abg naisagot niya sa akin at sinabi niya mismo na "Sa totoo lang Sir, lahat ng cases na nandito sa amin, ganyan ang feedback ng mga tinawagan namin. Puro mga terminated na ang account for 2-3 years tapos hinahabol pa ni PLDT then pag ayaw magbayad, tatakutin na kakasuhan daw.

reddit.com
u/gth17 — 3 days ago