u/humbledbygod

9 months sober, 3/4 road to 1 year

Post lang muna ulit para may babalikan ako lagi at para palaging maalalahanan na hindi dapat magpakampante. 😅

Sa mga struggling pa rin dito at hindi pa nakakahanap ng serenity at peace of mind, surrender lang talaga.

Accept natin na hindi na natin mababawi ang mga natalo, at tanggapin natin na “powerless tayo over gambling.”

At dahil sumuko na talaga ako, unti-unti ko nang inaalis ang sugal sa buhay ko. Yung mga natalo, hindi na natin mababawi pero alam kong hindi pa huli ang lahat para bumawi sa buhay.

Totoo talaga na mararamdaman mo ang blessings kapag nakawala ka na sa sugal.

Totoo na mas gumagaan ang buhay kapag unti-unti ka nang nakakabayad ng utang at natututo kang mabuhay at makasurvive sa araw-araw nang walang sugal.

Totoo rin na kapag nakikita ng mga mahal mo sa buhay na unti-unti kang nagbabago, unti-unti ring bumabalik ang tiwala nila. Kailangan lang maging transparent, honest, at consistent.

Totoo na mas nagiging productive ang bawat araw. Minsan, parang kulang na ang 24 hours para sa lahat ng gusto mong gawin dahil hindi na nauubos ang oras, pera, at energy mo sa pagsusugal.

At higit sa lahat, totoo na mas natutunan kong mahalin ang sarili ko. Napabayaan ko siya nang sobra noong active gambler pa ako.

Kaya sobrang thankful ako na pinakilala sa akin ng Diyos ang GA PH, at binigyan ako ng pagkakataong magbago kasama ang mga kapatid sa program. 🙏

Ang sarap pala mabuhay nang wala nang sugal.

Mas tahimik.

Mas payapa.

Mas may pag-asa.

Mas may direksyon.

Hindi man agad-agad maaayos ang lahat, basta hindi na tayo bumalik sa dati, may progress tayo. One day at a time. One day, one choice, one victory at a time.

Sa mga kapatid na patuloy pang lumalaban, huwag kayong susuko. Darating din ang araw na mararanasan ninyo yung gaan ng buhay na walang sugal.

Hindi pa huli ang lahat.

May buhay pa pagkatapos ng sugal. At mas maganda pala ang buhay kapag wala na ito. ❤️

Laban lang tayo dito mga kapatid. 💪🙏

Surrender. Accept. Recover. Rebuild. Live.

God bless sa ating lahat. 🙏

reddit.com
u/humbledbygod — 2 days ago

6 Months Sober since I started to join GA Ph 🥳

Kahapon ang celebration ng aming milestone being BetFree for 6 months. 🥳

Nakakataba ng puso, masaya, nakakalayo layo na rin sa situation nung time na may suicidal thoughts na rin ako.

.

Ano ang mga ginagawa ko sa ngayon?

Diverted my dopamine from Gambling and cross addiction from games to:

•Going to gym/working out 3-5 times a week

•10k steps a day (no excuses)

•Doing intermittent water fasting

•Attending daily GA meeting (even once a day)

Yan yung mga highlight dahil gusto ko bumawi sa sarili ko dahil napabayaan ko physically, emotionally, mentally and spiritually pero marami pa akong ginagawang Legwork para hindi makapag place ng first bet. 🙏

.

Ano ang mga nabago?

•nakakatulog na ako ng ayos.

•mas maayos na yung relationship ko sa partner and family ko kasi transparent na ako.

•medyo lumalaki na ulit yung mundo ko kasi di na ako isolated o walang iniiwasan.

•nakakapag focus na ako sa trabaho kasi bukod sa di na nagsusugal, mas okay yung mood ko dahil bawas stress na.

•narewire na talaga yung utak ko at iba na ang tingin ko sa sugal

•bukod sa napapabalik ako sa dating "Ako", feeling ko mas nagiging mabuting tao pa ako dahil sa mga natututunan ko sa program at narerealize sa iba't ibang aspeto ng buhay. (Healthy living, regarding money, relationships etc.)

Hindi ko na sobrang maisa isa, pero basta sobrang nagpapasalamat lang ako kay God na andito na ako sa situation ko ngayon, actually Anniversary din namin ngayon ng partner ko ngayon.

Yung partner ko na di ako sinukuan nung time na akala ko hihiwalayan nya na ako, nung time na lugmok na lugmok ako.

Yung family ko na akala ko papagalitan ako o itatakwil na dahil sa gambling addiction ko. Wala akong narinig na kung ano.

At tama nga na talagang yung partner and family ang first line of defense. (Best decision nung umamin ulit ako na nag sugal pa rin ako)

Sa kanila pa lang panalo na ako sa buhay. Real talk yon.

Bakit pa ako susugal?

Bakit pa ako babalik sa sitwasyong parang nasa kumunoy?

Sobrang sarap mabuhay na wala ang sugal sa buhay.

Kaya sana kung meron mang makakabasa nito na nagsusugal pa. Sana magising na sa katotohanan.

False hope lang yung sugal. Mas masarap mabuhay na yung perang ginagamit sa araw araw ay galing sa tama.

Hindi sa mabilisang pera.

May kasabihan nga na "Ang perang mabilisang nakuha ay mabilisan din mawawala"

Feel free to message me or ask anything. 🙏

Open lang ang account ko.

Oo, ikaw ang kausap ko. 🫵

May pag asa pa kapatid. 🙏💪☝️

reddit.com
u/humbledbygod — 3 months ago