How did you get your first job as a fresh graduate?
It's been two weeks since our graduation, and until now wala pa rin akong job. Nakapag-apply naman na ako sa iba't ibang companies, and fortunately may mga tumatawag na rin for interviews.
May tatlong company na nag-offer na sa akin, pero around ₱9k - ₱11k lang yung salary, minimum. Hindi ko siya tinanggap kasi taga-bukid talaga ako, literal na kasulok-sulokan ng probinsiya, and nagdo-dorm lang ako rito habang naghahanap ng work. Parang halos pamasahe, rent, at pagkain lang mapupunta lahat ng sweldo, so hindi rin siya sustainable.
For context, BSBA Marketing Management graduate ako, and I also have a background in journalism, digital marketing, content creation, and student leadership. Marami namang hiring, pero parang sobrang competitive ng market ngayon.
Sa mga fresh grads or even experienced professionals here:
- Paano niyo nakuha yung first job niyo?
- Ano yung ginawa niyo para mag-stand out sa ibang applicants?
- Any tips sa interviews, especially sa pag-market ng sarili?
- And when it comes to salary, paano ba mag-negotiate nang maayos without sounding entitled, especially as a fresh grad?
Would really appreciate any advice or personal experiences. Thank you!