OFW applicant and Aspirant
Hello,
Gusto ko lang eshare at makapag Inquire na rin kung may same situation sa akin dito. I've been undetectable na for 8 yrs. Hindi siya madali para sa akin dahil mag isa ko lang hinarap ang situation ko. Wala ni isa sa pamilya ko ang may alam. Isa lang ang nakakaalam sa sitawasyon ko yung BF ko pero nasa US na siya now. Isa akong ex OFW sa mahabang panahon tapos nangyari ang di inaasahan. Nagpositive ako sa HIV. Umuwi at nagpagamot. Buti na lang early detection ako kaya di gaano kahirap maging UD, w/in 3 months naging UD na ako until now. Working here now in BPO industry, nakakasurvive nman kahit papano. Pero hinahanap hanap ko pa rin talaga ang pagwork abroad. Then naisipan kong mag apply para sa abroad, aware ako sa mga bansang bawal ang sitwasyon natin. So pinili ko yung mga lugar na kung saan hindi hadlang ang pagiging HIV. Pero sa kasamaang palad sa agency pa lang binabagsak na ako sa Medical. Marami ako nababasa online about sa mga kapatid natin na nakapag work pa din abroad especially mga seafarers at mga Nurses. Though di ako pede sa Seafarers at Nurses. Any thoughts saan kayo nag apply or any idea how to start. I've tried sending emails na rin directly to the websites of the company, unfortunately walang swerte.